NAGPAKATOTOO si Kathryn Bernardo sa pagsagot sa mga maiintriga at personal na tanong ng King of Talk na si Boy Abunda about her personal life and showbiz career.
Literal na lumaki si Kath sa mata ng publiko dahil bata pa lang ay talagang minahal na siya ng madlang pipol at in fairness hanggang ngayon ay love na love pa ein siya ng mga Pinoy.
Kung walang kokontra, si Kathryn na nga ang maituturing na pinakasikat na celebrity ng kanyang henerasyon at matatawag na ring ultimate multimedia star.
Bukod sa pagiging Box-office Queen, very visible at super active rin siya sa mga TV, digital at online commercial, idagdag pa ang kanyang pagiging hands-on sa kanyang mga naipundar na negosyo.
Kaya naman sa guesting niya recently sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong siya ng, “What is the good and the bad about being Kathryn Bernardo?”
Napaisip muna ang dalaga bago sumagot, “The good is I’m doing my passion and I’m doing this profession as an actor.
“It is something I want, something I love, and at the same time, napapasaya mo ‘yung mga tao.
“’Di mo alam ‘yung impact na nagagawa mo sa ibang tao while doing the thing that I love the most, which is acting, so it’s like a win-win situation,” paliwanag ng aktres.
Pero inamin ni Kath na may mga downside din ang tinatamasang tagumpay sa kanyang career at hindi na raw niya ito kontrolado.
“It can get really, really overwhelming, and I’m talking about people around you, na everyone, alam ko naman na it’s all coming from love, lahat sila ay gusto what’s best for me.
“And they don’t want me to experience this again, but it’s hard because they’re not giving me, parang there is no room for mistakes,” esplika pa ni Kathryn.
Naikumpara pa ng leading lady ni Alden Richards sa pelikulang “Hello, Love, Again” ang pagiging celebrity sa mga ordinaryong tao pagdating sa pagdedesisyon sa buhay.
“Kapag normal person ka, puwede kang matuto on your own without the whole world watching you.
“But now, with this job, it’s like, ‘pag magkamali ka, kapag masaktan ka, kapag meron kang decision sa life, lahat ng tao ay involved doon sa buhay mo, lahat sila may opinyon sa buhay mo.
“I think that’s a bit sad. Sometimes it’s hard for me to make decisions because, instead of just me thinking of myself, iniisip ko ‘Paano kayo?’” pagbabahagi pa ng Kapamilya superstar.