Wala ang Diyos nang nanalasa si ‘Yolanda’ — Duterte

DAVAO CITY—”I think God was somewhere else when the typhoon hit,” ani Mayor Rodrigo Duterte kahapon makaraan ang isang araw na pagbisita sa Tacloban kung saan nasaksihan niya ang mga nagkalat na patay at mga nakaligtas na wala namang makain.

“God must be [have been] somewhere else or he forgot that there’s a planet called Earth,” ani Duterte pagdating sa Davao International Airport.

Makaraang makita ang lagay ng Tacloban, sinabi ni Duterte na mas mabuting ideklara ang state of emergency kesa state of calamity, na ginawa ni Pangulong Aquino Lunes ng gabi.

Samantala di pabor ang Malacanang sa suhestiyon ni Duterte na barilin ang mga looters na magtatangkang mang-agaw ng relief goods na magmumula sa lungsod papuntang Tacloban.

Ani Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, ang layunin sa pagpapadala ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Tacloban ay masiguro ang peace and order sa lugar.

Read more...