Kathryn tuwang-tuwa ‘pag pinagtitripan si Alden; KathDen iba ang galawan

Kathryn tuwang-tuwa 'pag pinagtitripan si Alden; KathDen iba ang galawan

Boy Abunda, Kathryn Bernardo at Alden Richards

NAGPAKATOTOO na si Kathryn Bernardo sa mga sagot niya nang mag-guest sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” sa GMA 7.

Kung dati-rati’y nahihiya o alanganin pang sumagot ang aktres sa mga tanong tungkol sa personal nitong buhay ngayon ay hindi na.

Sa dalawang minutong “Fast Talk” ay inamin ni Kathryn na mas gusto niya ang, “lights off” kesa “lights on.”

Sinundan pa ng sagot na “Happiness” sa tanong kung “happiness or chocolates.”

At best time for happiness para kay Kathryn ay, “Anytime!”

Naiinis si Kathryn kay Alden Richards kapag, “kapag ano, kapag sabaw kausap (sabay tawa nila ni Kuya Boy).”

Natutuwa ang aktres kay Alden kapag, “Pinagtitripan ko siya.”

Baka Bet Mo: Heart Evangelista ibinunyag ang ‘sexiest’ body part ni Chiz, inamin na hindi naging boto ang magulang sa mister

Naguguwapuhan naman ang dalaga kay Alden kapag, “‘Yung buhok niya maayos at malinis (sabay muwestra).”

At gaano kasaya ang puso ngayon ni Kathryn, “Baka 9 (sabay ngiti).”

Sa nasabing panayam kay Kathryn ni Kuya Boy ay kitang-kita kung gaano siya kaligaya at makikita iyon sa kanyang mga mata.


Maraming nagsasabing iba na ang kilos ng KathDen kahit off-camera kaya may mga naniniwalang posibleng maging sila na nga since inaamin naman din ng actor na nanliligaw siya sa aktres na ang bonus points ay boto ang pamilya ng dalaga kay Alden.

Edad 34 ang sagot ng dalaga sa tanong kung kailan siya mag-aasawa lalo’t sinagot niya ng handang-handa na siyang magkaroon ng boyfriend either ngayong taon o sa 2025.

At mukhang bumagay nga sa kanila ni Alden ang titulo ng pelikula nilang “Hello, Love, Again” dahil baka sa pagkakataong ito ay posible nang masabing, “hello, love forever na.”

Anyway, may sitsit sa amin na umabot na sa mahigit P50 million ang halaga ng nabiling tickets para sa first day of showing ng “HLA” handog ng Star Cinema at GMA Pictures mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.

* * *

Inaprubahan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga pelikulang katatakutan sa linggong ito.

Bilang paggunita sa Araw ng Undas ay mapapanood ang pelikulang “Talahib,” isang katatakutang istorya sa masukal na talahiban, ay nabigyan ng R-13 mula sa MTRCB Board Members (BMs) na sina Eloisa Matias, Antonio Reyes, at Fernando Prieto.

Rated 13 din ang “Venom: The Last Dance” ng Marvel at “The Fix” ng Pioneer Films. Mga edad 12 at pababa lamang ang puwedeng manood sa ilalim ng R-13.

Ang “Vina: Before 7 Days” mula Indonesia at “Alice” na tumutok sa artificial intelligence ay rated R-16. Sa R-16, mga edad 16 at pataas lamang ang puwedeng manood.

Ang “Friendly Fire,” gawang lokal na naipalabas sa Hawaii International Film Festival, ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang). PG din ang pelikula ni Jackie Chan na “Panda Plan” at ang Japanese animated film na “The Colors Within.” Sa PG, kailangang may kasamang magulang o guardian ang mga batang edad 12 at pababa sa sinehan.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na ang masusing pagrerebyu ng pelikula ay base sa Presidential Decree No. 1986 o ang MTRCB Charter.

“May sinusunod din kaming seven-point framework. At ang pinaka-importante sa lahat, ginagamit namin ang takdang moralidad base sa kulturang Pilipino,” ani Chair Lala.

Read more...