Xia Vigor ayaw muna sa loveteam, type gumanap ng girl version ni Joker

Xia Vigor dedma muna sa loveteam, type gumanap ng girl version ni Joker

Xia Vigor

KUNG siya lamang ang masusunod, mas gusto ng teenstar at Viva Artists Agency (VAA) talent na si Xia Vigor na huwag munang magkaroon ng ka-loveteam.

Sa mga hindi pa aware, 15 years old na ngayon si Xia at excited na siya sa mga next projects na ibibigay sa kanya ng Viva. In fairness, parang kailan lang nu’ng magsimula siya bilang child star.

Ayon kay Xia, looking forward na siyang maipakita sa publiko ang iba pa niyang talento bilang artist, kabilang na riyan ang pagiging singer and recording artist.

“I think medyo ngayon ko pa lang na-realize ‘di na pang bata gagawin ko na roles. I am very used to being part of child projects, like yung sa Team Yey, ‘Your Face Sounds Familiar.’

“Growing up, hindi na ako maging part ng ganong TV shows,” ang pahayag ni Xia nang makachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng press last Wednesday.

Baka Bet Mo: Xia Vigor naranasan ang buhay promdi; mas pinili ang Pinas kesa sa England

“I am really looking forward what is there, and I hope I can showcase myself as an individual artist, with challenging roles to see abilities kaya ko pa po gawin,” dagdag pa ng British-Filipina youngsters.


Naikuwento rin ni Xia ang tungkol sa pagpili niya noon kung ipagpapatuloy ba niya ang kanyang showbiz career o ang offer sa kanya na mag-aral sa Europe.

“I thought about it if may potential ako sa showbiz or live in England na lang…if mag-aral na lang ako sa London. But something in me said showbiz.

“May naitayo na kasi ako foundation bata pa lang ako, ayoko masayang hard work na iyon. Biglang aalis na ako. I know I can choose school first pero baka mahirapan ako bumalik kapag nawala ang momentum,” paliwanag ni Xia.

Natanong naman namin ang teenstar kung game na ba siyang magka-loveteam sa mga susunod niyang acting projects sa TV at pelikula.

“Right now, gusto ko i-try nga partner-partner. Hindi muna loveteam. At the moment, I really want to showcase myself as a solo artist. But I am open to having partners,” sey ni Xia.


At kung papipiliin daw siya kung anong genre ang gusto niyang pagbidahan, feel niya ang mga action at psychological thriller.

“Gusto ko action kasi napanood ko ‘yung movie na ‘Hanna.’ ‘Yun dream role ko and magaling siya makipaglaban agad. It represents empowered women. Gusto ko ma-showcase kakayahan ng babae.

“Sa psych-thriller gusto ko parang Joker na girl version. It is challenging, something I will prepare for. I like doing big things,” sey ng VAA talent.

“Sa age ko ngayon, alam ko awkward stage but Viva really gave me the chance to still be part of projects. I will be forever grateful for their support,” aniya pa.

Read more...