Convenience store, supermarket sa Naga nilooban nga ba?

Convenience store, supermarket sa Naga nilooban nga ba?

KALAT ngayon sa social media ang iba’t ibang larawan ng ilang mga convenience store na diumano’y pinagnakawan ng ilang residente sa Naga City dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Kristine.

Isang netizen na nagngangalang Carlo Kenneth Brizuela ang nag-upload ng mga larawan kung saan may mga lalaking may bitbit na alak na tila kinuha sa loob ng isang convenience store.

“Kalamidad na kita, nakua pa maghabon kang mga daeng supog na ni! Mga mapagsamantala porke napasa ang salming kang 7/11 Ateneo Ave subagong aga. Hay buhay [May kalamidad na nga, nakuha pang magnakaw at manamantala ng ilan sa 7/11 Ateneo Avenue. Hay buhay],” saad ni Carlo.

Baka Bet Mo: Michelle ninakawan ng kotse, na-shookt nang malaman kung sino ang salarin

May mga kumakalat ring balita na isang supermarket ang ninakawan rin ng mga residente sa Naga.

Nitong Miyekules pa rin, inamin ng Cabral Bicolandia Supermarket o CBS na sila ay ninakawan, taliwas sa kumalat na umano’y fake news na ipinamimigay nila ang kanilang mga paninda.

“The circulating post claiming that CBS is giving away free groceries is FALSE. The establishment was forcibly entered, and people entered without permission,” saad ng CBS.

Humingi rin ito ng tulong para malaman kung sino pa ang nagbabalak at mamamataang pumapasok sa loob ng supermarket na walang pahintulot.

“If you see anyone entering the store without proper authorization, please report it immediately,” dagdag pa ng CBS.

Base rin sa naging panayam sa CBS, tinangay rin ng mga magnanakaw sa kanilang tindahan ang vault pati na rin ang natirang pera sa kanilang kaha.

Dapat raw ay magsasagawa sila ng relief operations ngunitvsa kasamaang palad ay nauna nang looban ng ilang residente ang mga paninda nila na isasama sa ipamimigay na tulong.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang lokal na pamahalaan ng Naga City hinggil sa naganap na panloloob sa kanilang lugar.

Read more...