LAKAS loob na kinalampag ng TV host-comedian na si Ogie Diaz ang mga bet tumakbo sa darating na 2025 midterm elections pati na rin ang mga partylist na magpaabot ng tulong para sa mga taong nasalanta ng bagyong Kristine.
Sa kanyang Facebook post ay nanawagan ito sa mga naghain ng certificate of candidacy noong unang linggo ng Oktubre lalo na ang nagpaplanong kumandidato sa Bicol region na tumulong sa kanilang mga kababayan.
“O, yung mga tatakbong senador diyan at partylist, o! Eto na ang pagkakataon nyo para tulungan ang Camsur. Para patunayan kung talagang para sa tao kayo,” saad ni Ogie.
Maging ang mga taong kasalukuyang nasa pwesto ay kanya ring hinamon.
Baka Bet Mo: Hamon ni Ogie Diaz: Pakinabangan na ang pagi­ging chismosa natin!
“Lalo na yung mga nakaupo doon, baka me mga resibo ng pagtulong, pag-ayuda at pag-rescue kayo na pwedeng ilabas para hindi kayo nadya-judge, ilapag na dito,” dagdag pa ni Ogie.
Aniya, mas nakikita pa nga ng mga tao ngayon ang pagtulong ni Atty. Leni Robredo kahit na wala na itong posisyon sa gobyerno.
“Si Mam Leni Gerona Robredo na walang posisyon at ang Angat Buhay ang madalas naming makitang tumutulong,” sey ni Ogie.
Chika pa niya, nakakahiya naman kung sa campaign period pa magpaparamdam ang mga ito.
“Kilos na dahil nakakahiya naman kung during campaign period lang kayo makikita. Nakakahiya naman sa inyo,” talak pa ni Ogie.