Maymay tampok sa ‘It Goes To 11’ series ng Grammy’s: ‘My heart bai!’

Maymay tampok sa ‘It Goes To 11’ series ng Grammy’s: 'My heart bai!'

PHOTO: Instagram/@maymay

HINDI makapaniwala si Maymay Entrata matapos tumampok sa original series ng Grammy’s na  “It Goes to 11.”

Sa YouTube, mapapanood na na-interview siya ng Recording Academy upang malaman kung paano nag-improve ang kanyang boses sa pagkanta.

At diyan ibinunyag ni Maymay na malaking tulong sa kanya ang In-Ear Monitors (IEM) pagdating sa vocal performance.

Inalala ng actress-performer ‘yung three years ago na nag-aaral pa siyang kumanta at napansin ang ginagamit na IEM ng mga singer na nilalagay sa tenga.

Naikuwento pa niya si Gary Valenciano na inilarawan niyang “one of the most iconic music artist in the Philippines,” na siyang nagsabi sa kanya kung para saan ‘yung nasabing device.

Baka Bet Mo: Maymay Entrata ‘focus’ muna sa pagiging singer: ‘Singing na ‘yung priority ko talaga…’

“I have the biggest realization that no magic or equipment will make you skip learning on something that you want to pursue or something that you want to be passionate about,” sey niya sa panayam.

Patuloy niya, “It will always take hard work, perseverance and patience for you to have it, for you to learn it.”

At speaking sa pagiging artist, sinabi niyang: “I love to be a blessing to others—to be able to give inspiration to those people who sing my songs.”

Sa hiwalay na post sa Instagram, proud na proud na ibinahagi ni Maymay ang tungkol sa kanyang experience nang binisita ang Grammy studio sa United States.

“My heart bai! I still couldn’t believe we made it to Grammy studio,” caption niya.

Aniya pa, “Thank you so much Recording Academy for having me. This is definitely one of my most unforgettable memories.”

Hindi lang si Maymay ang Pinoy na na-feature sa original series ng Grammy’s.

Dahil ang nauna sa kanya ay sina Felip at Josh ng SB19 na nag-perform sa digital series na “Global Spin.”

Tumampok na rin ang nation’s P-Pop girl group na BINI bilang parte ng “12 Rising Girl Groups to Know Now” list this year, pati ang Pinoy boy band na BGYO sa 2023 list na “Asian pop artists to check out.”

Read more...