VP Sara umamin sa viral TikTok video: Totoo iyon, ako yun at hindi AI!

VP Sara umamin sa viral TikTok video: Totoo iyon, ako yun at hindi AI!

GAME na game na sinagot ni Vice President Sara Duterte ang tanong ng madlang pipol kung totoo o AI (artificial intelligence) lamang ang kanyang viral TikTok video.

Marami kasing naaliw at napa-wow na netizens sa kumalat na dance moves ng kontrobersiyal na bise presidente sa social media na inakala ng marami na isang paandar na AI.

Pero sa isang panayam, diretsahang kinumpirma ni VP Sara na totoong siya talaga ang sumasayaw sa nag-viral na TikTok video.

Aniya, ginawa niya ang “the moves” matapos siyang pakiusapan ng isang kakilalang content creator na tulungan siyang i-promote ang kanyang TikTok account sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Baka Bet Mo: Banta ni VP Sara sa pamilyang Marcos: ‘I’ll throw Marcos Sr.’s body in WPS’

 

“Totoo iyon. Hindi AI ‘yung TikTok video, ah! Ako iyon. Tatlong videos ‘yan,” sabi ni Duterte.

“Sabi ng kasama ko, ‘Content creator na ako. Puwede mo bang tulungan ‘yung account ko,’” sabi pa ni VP Sara.

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam kung paano kumita. Pero sinabi niya, ‘Pwede mo ba akong tulungan, i-promote mo ‘yung account ko.’

“Then sinabihan ko siya, ‘Sure, maliit na bagay. Anong kailangan kong gawin?’ Sabi niya, ‘Sumayaw ka lang.’ So tinuturuan nila ako, and then sumayaw,” sey pa ng bise presidente.

Ang pag-amin ni Duterte ay pinaniniwalaang may konek sa naging pahayag ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na inakala niyang artificial intelligence ang mga pahayag ni Vice President Sara laban kay Pangulong Bongbong Marcos at sa administrasyon nito.

Sabi ng senador, nagtaka siya noong una kung totoo ba ang statement ni VP Sara  at kinailangan pa niyang ipa-check ito nang paulit-ulit para masigurong hindi ito ginamitan ng AI technology.

Tinawag ni Pimentel na “unusual” o “strange” ang mga sinabi ni VP Sara dahil bilang isang public official ay hindi pangkaraniwan ang paglalabas ng mga  ganitong uri ng pahayag sa presscon.

Read more...