Kapag motor ay binaha, malaking problema

PROBLEMADO ang ating texter na ….2278 na taga-Dapa, Surigao del Norte, sa kanyang motorsiklo. Isang taon pa lamang ito pero maingay na at malakas ang panginginig matapos itong ilusong sa baha na dala ng bagyo.

Tubig ang numero unong kaaway ng motorsiklo. At ito ang kalimitang dahilan kung bakit nagiging maingay at malakas ang panginginig ng two-wheels.

Isang mapagkakatiwalaang mekaniko ang sagot sa problema ng ating texter.   Marami ring nakakaalam na mekaniko sa pagkalikot ng Japanese brand na motorsiklo nito hindi katulad ng mga Chinese brand na ngayon pa lamang dumarami sa ating mga kalsada.

Kailangang suriin ang makina upang makita kung hanggang saan umabot ang tubig. Kung umabot ito sa air cleaner, dapat itong patuyuin o kaya ay palitan na.

Kapag marumi o barado ang air cleaner, mas nahihirapan ang makina ng sasakyan. Minsan ito rin ang sanhi ng pagiging maingay at malakas na vibration ng motorsiklo.

Dapat ding inspeksyunin ang fuel strainer at ang spark plug. Maaari ring maapektuhan ng paglusong sa baha, lalo na kung madalas, ang fuel line lalo na kung pinababa ang motorsiklo.

Huwag ding kalimutan na tingnan at lagyan ng langis ang drive chain. Maaari kasing dumikit ang mga alikabok sa kadena kapag basa ito. Kapag naipon ang dumi, makakaapekto ito sa takbo ng sasakyan

.Dapat tingnan din ang brake pad. Madali kasing masira ang basang brake pad. Mapanganib kung masisira ang brake pad at mailalagay nito sa panganib ang buhay ng nagmamaneho at kanyang angkas.

MOTORISTA

YBR 125
BAKIT po parang hirap humatak ang ang YBR 125?
GILBERT D., ng Dumaguete City

BANDERA

KAPAG hirap humatak ang 125, sintomas ito ng ilang diperensiya sa makina.  Kung sakop pa ng warranty ang motor mo, ibalik mo ito sa dealer.  Maraming diperensiya ang ibinabadya ng hirap sa hatak, 125 pa naman.

Ipasilip mo ang piston, piston rings, o baka kailangang i-rebore na ito.  Lose compression ang tawag sa Ingles sa hirap humatak.  Maaari ring kailangan nang palitan ang ilang gear dahil dito nagmumula ang hatak ng primera at segunda, o acceleration.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
UPGRADE Raider 150 0910-3821829
SUZUKI Raider 150 0922-3750458

YAM Mio P30 0922-6959556
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).

PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Read more...