JK matagal bago nakumbinsi ni Sylvia na mag-concert sa MOA, napamura!

JK matagal bago nakumbinsi ni Sylvia na mag-concert sa MOA, napamura!

JK Labajo at Sylvia Sanchez

NATUPAD din sa wakas ang matagal nang pangarap ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez na maipag-produce ng concert ang anak-anakan niyang si JK Labajo.

Yes, yes, yes mga ka-BANDERA! Tuloy na tuloy na ang major-major concert ni Juan Karlos na magaganap sa darating na November 29 sa SM Mall of Asia Arena.

May titulong “Juan Karlos Live”, ito ang magsisilbing 10th anniversary celebration ni JK sa entertainment industry na ipo-produce nga ng Nathan Studios na pag-aari ng pamilya ni Sylvia.

Ayon kay Ibyang, matagal-tagal din niyang kinumbinsi si JK na mag-concert sa malaking venue kaya talagang feeling thankful ang premyadong aktres at producer nang finally ay mag-yes na sa kanya ang singer-actor.

Baka Bet Mo: Superheroes ‘binuhay’ sa ‘Marvel Universe LIVE’, pasabog sa stunts at gimik

Sa naganap na presscon ng “Juan Karlos Live” kahapon s Sentro Artista Art Hub sa The Arton Strip by Rockwell sa Project 4, Quezon City, nabanggit nig binata na abot-langit ang pasasalamat niya kay Sylvia dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.


“This is a dream come true. This proves that there is a room for everyone in the music industry. I’ve always wanted it, and it’s finally happening thanks to Nathan Studios, who believes in my worth and artistry,” pahayag ni JK.

Inamin ni JK na may agam-agam siya sa pagko-concert sa MOA Arena dahil feeling niya ay hindi pa siya ready na mag-solo sa isang napakalaking venue. Napamura pa nga raw siya nang malamang sa MOA ang concert niya.

Ngunit nang sabihin daw sa kanya ni Ibyang na ang isipin na lang niya ay ang kanyang supporters na matagal nang nagre-request na mag-show siya sa big venue, ay parang nabuhayan siya ng loob.

“The concert’s production team is working hard to polish all the elements needed in order to provide the greatest possible concert experience for everyone.

“Of course, they’ll hear and see me perform my hits as well as a few songs that have influenced me as an artist,” sey pa ng award-winning singer-songwriter.

Ibinalita rin ni Sylvia na soldout na ang SVIP section ng concert ni JK kaya medyo problemado sila ngayon dahil marami pa ang naghahanap ng pinakamahal na ticket.

Proud pang sinabi ni Ibyang na napakaganda at ibang klase ang ipinagawa nilang stage sa MOA Arena dahil pang-international talaga ang design nito.

Sa tanong naman kung handa na siyang mag-perform sa MOA Arena, “I don’t think you can really be ready or prepared for something. Never kang magiging ready.

“Para ito sa mga tao, sa mga gusto pang makita, madinig, para ito sa mga fan ko. I’m not being cheesy. Kasi lahat siguro ng mga artista, sinasabi, for the fans, for the support, pero totoo ‘yan, e,” sabi pa ni JK.


Samantala, natanong din si JK sa kanyang 10th anniversary at kung anu-ano ang naiisip niya kapag binabalikan ang nakalipas na isang dekada niya sa showbiz.

“Bigla akong napaisip. It’s really interesting, for some good reason, i just feel like yesterday, I’m just Visaya speaking boy from Cebu. There’s Coach Sarah (Geronimo) na kinukulit ko. Kinukulit ko lang lahat ng tao actually, because I didn’t think seriously,” sey ni JK.

Naalala rin niya ang kanyang yumaong ina noong nag-audition siya sa “The Voice Kids”, 10 taon na ngayon ang nakararaan.

“Nag-look back lang ako. I’ve been through a lot as a person. I mean, lahat naman tayo, hindi biro ang pinagdaanan. I’m just really grateful to be surrounded with people who beliefes in me,” aniya pa.

Available pa rin ang tickets sa “Juan Karlos Live” sa lahat ng SM Ticket outlets. Ito ay mula sa direksyon ni Paolo Valenciano with Karel Honasan as Musical Director.

Read more...