JM nakalabas na ng rehab; JESSY gustong makita ang ex-BF


NAKALABAS na ng rehabilitation center ang dating Kapamilya actor na si JM de Guzman. Ito ang kinumpirma ni Jessy Mendiola sa presscon ng bagong pelikula ng Star Cinema na “Call Center Girl”.

Kinumusta kasi ng press kay Jessy si JM, alam naman kasi ng lahat na dati silang magrelasyon at ayon sa mga chika, siya nga raw ang dahilan kung bakit napariwara ang buhay at career ng aktor.

“Ang alam ko, nakalabas na siya. And I’m really happy for him, and hindi lang ako. Maraming taong nag-aantay na makabalik siya sa industriyang ito.

Napakagaling na aktor ni JM at wala akong masasabing masama sa kanya,” pahayag ng bida sa seryeng Maria Mercedes.
Kung matatandaan, nabalitang dumaan sa matinding depresyon ang aktor kaya bigla itong nawala sa eksena.

May tsismis naman na nalulong sa bisyo si JM kaya nagdesisyon na ang kanyang pamilya na ipasok siya sa rehab.
Ito rin ang dahilan kung bakit pinalitan siya ni Rocco Nacino sa 2013 MMFF entry na “Pedro Calungsod”.

Inamin din ni Jessy na wala na talaga silang communication ni JM, “Right now, wala. Pero last September, a very close friend of mine sent a message to me asking for a birthday message for him. I sent a birthday message for him.”

Noong Sept. 9 nag-celebrate ng kanyang 25th birthday si JM, at ang birthday message raw ni Jessy sa dating boyfriend, “Sana gumaling siya agad at sana makabalik siya agad sa industriyang ito.

Sinabi ko maraming nag-aantay sa kanya.”  Okay rin daw sa kanya na makipagkita at makipag-usap uli kay JM, pero aniya, “Depende pa rin yun kung sa tingin ng mga tao sa paligid niya ay handa na siya.

Ako, honestly, I want to see him and how he is. I’m also open sa friendship, I want to be friends with him. “I want people to see who he really is because he is really a good man and a really good actor.

I don’t want to say anything bad about him because there is nothing bad to say,” pahayag ng aktres. Samantala, bukod sa Maria Mercedes, mapapanood din sa big screen si Jessy, kasama siya sa bagong comedy movie ng Star Cinema na “Call Center Girl” kung saan gaganap siyang anak nina Pokwang at Jestoni Alarcon.

Ka-join din dito sina Enchong Dee, John Lapus, Chokoleit, Alex Castro, Dianne Medina at Ejay Falcon sa direksiyon ni Don Cuaresma. Showing na ito nationwide sa Nov. 27.

“Ako po ang gaganap na anak ni Mamang Pokwang. Isa rin akong call center agent at rebellious na anak ni Pokwang. Boyfriend ko po rito si Ejay at boss ko naman si Enchong,” kuwento ni Jessy.

Nabanggit niya ang saalitang rebellious kaya natanong din siya kung naging rebelde rin siya sa kanyang magulang, “Dati. May phase naman lahat ng tao sa pagiging rebellious, e.

Ako, nalagpasan ko na yun. “Heto na ako ngayon. Alam ko na ang mga priorities ko at naka-focus talaga ako sa trabaho,” hirit pa ng dalaga.

( Photo credit to Google )

Read more...