Inamin ni Sarah Geronimo na dalawang beses na siyang nabigo sa pag-ibig. Hindi man niya diretsong pinangalanan ang dalawang lalaking nagdaan sa buhay niya, siguradong sina Rayver Cruz at Gerald Anderson ang tinutukoy niya sa interview ng Buzz Ng Bayan noong Linggo.
Tinanong ni Boy Abunda ang Pop Princess kung ano ang natutunan niya sa unang pakikiparelasyon niya (kay Rayver), “Natutunan ko yung acceptance ng, siguro, you’re not meant for each other.
Siguro, hindi pala ito ang panahon namin. Yung dalawang yun, naglalaro. “Pero ang importante sa lahat, na naipagpatuloy yung friendship. At wala… yung pagmamahal mo sa isang taong yun, yun ang hindi na mawawala.
Makita mo lang siya, makausap mo lang siya, okay na. Mahal kita. Yun lang.” At sa ikalawang pag-ibig (kay Gerald), “Na merong pag-ibig na hindi para sa ‘yo. Pag-ibig na I deserve someone better.
At saka, ito po ang natutunan ko – magmahal ka nang totoo, magmahal ka nang tama. Kung hindi niya suklian yun, sorry. At least, ako, naging totoo ako sa ‘yo, minahal kita nang totoo.”
Dito rin inamin ni Sarah na mas nasaktan siya sa paghihiwalay nila ni Gerald kesa sa break-up nila ni Rayver.
( Photo credit to Google )