UMALMA na ang World’s Number 3 pole vaulter na si EJ Obiena sa mga malilisyosong kuwento tungkol sa kanila ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo.
Mariing pinabulaanan ni EJ ang mga naglalabasang balita na nagko-quote sa kanya tungkol sa personal na buhay ni Carlos, partikular na sa alitan ng kanilang pamilya.
Iniintriga rin ng mga netizens ang mga product endorsements nina EJ at Carlos na tila ginagawan ng isyu at pilit na pinag-aaway ang dalawang premyadong atleta.
Hindi na pinalampas ni EJ ang patuloy na pagpapakalat ng fake news ng ilang vlogger at mg online sites at nagsalita na nga para linawin ang mga tsismis sa pagitan nila ni Caloy.
Baka Bet Mo: Mimiyuuuh diretsahang tinanong si EJ Obiena: May chance ba tayo?
Sa Instagram ngayong araw, October 9, nag-post ng mahabang paliwanag si EJ at inisa-isa ang limang “katotohanan” sa relasyon nila ni Caloy.
“I have hoped and tried to stay silent and not fuel anymore of the misleading stories.
“It’s a sad state of affairs when stories are fabricated to get clicks and likes and shares. Journalism is a noble profession driven by FACTS. It’s a shame it is sometimes abused,” simulang panonopla ni EJ sa mga nagpapakalat ng fake news sa pagitan nila ni Carlos.
Aniya pa, “This is the ONLY statement I am going to make on the issues. There are the facts. So everyone knows.”
Baka Bet Mo: Boy Abunda relate much kay EJ Obiena; interesado pa ba sa Yulo family?
Kasunod nito, ibinandera nga ni EJ ang limang punto upang ipamukha sa mga gumagawa ng pekeng balita sa social media ang katotohanan at pawang katotohanan lamang.
“1. I am friends with Caloy and have been for many years. And for decades to come.
“2. I don’t compete with my friend Caloy and I deeply respect him. He is a great champion for our country and I applaud him. I am proud of him. I am thankful for the glory he has brought our country.
“3. I don’t comment on my private life and I certainly don’t want outsiders commenting on it. That’s why it’s called ‘Private life’.
“It’s personal. It’s nobody else’s business. Because I embrace these values, I never comment on someone else’s personal life. I HAVE NEVER MADE A SINGLE COMMENT regarding Caloy’s private life and I never shall.
“Any assertion otherwise is outright libel. I know when to keep my mouth shut; and when it comes to anyone’s private life this is one of those times.
“4. If you ever want to know what I say, come here or my other social media and you’ll see it.
“If some click bait site is making up stories to suck you into the drama, recognise it for what it is. It’s abuse. It’s not journalism.
“5. That’s it. Thank you and I shall have no further comment on the matter. I am focused on getting ready for the upcoming season,” litanya ng Pinoy champ.
Sa huli nakiusap si EJ na tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko para lamang kumita ng pera at makahakot ng views, “Let’s focus on cheering our athletes on, instead of creating false drama to sell advertising space.”