POKWANG dapat nang ilebel kina AI AI, UGE at VICE

Puring-puri ni John Lapus ang co-star niya at bida sa latest movie ng Star Cinema for their 20th anniversary with Skylight Films, ang “Call Center Girl,” na si Pokwang.

Matagal na raw niyang kaibigan si Pokwang pero ngayon lang daw niya ito nakilala nang husto.  Kasabay kasi na ginagawa ni John with Pokwang ang “Call Center Girl” at ang teleserye na Mirabella.

May 10 days straight nga raw na magkasama sila to the point na natulog siya sa bahay ni Pokwang.  “Ganoon pala ‘yun, kahit kaibigan mo na ang isang tao, kahit kilala mo siya, marami ka pa ring malalaman kapag araw-araw kayong magkasama.

And siguro, sa lahat nang pinagdaanan niya sa buhay, busilak ang puso ng bakla. Sinasabi ko nga, meron nga akong laging kinukwento about her nga na, si bakla one time sa shooting namin ng ‘Call Center Girl’ siguro gusto niyang kumain ng chickenjoy.

“Alam mo nagpabili siya ng chicken para sa lahat. E, ako kapag gusto kong kumain hindi ko ibibili ‘yung iba ‘no? So, alam mo ‘yung ganoon?!” panimula ni John during our sit-down interview after ng presscon ng “Call Center Girl.”

Kahit puyat daw si Pokwang maaga pa rin itong nagigising at nagluluto nang pakadami-dami para sa lahat ng tao. Kaya sobrang na-appreciate ni John ang ugali ni Pokwang.

“As a friend, as a woman, mahal na mahal niya ang anak niya, as a mother, as a daughter, as a sister sa kanyang mga kapatid. ‘Di ba halos lahat pala ng kapatid niya sa kanya nakatira kahit may mga asawa’t anak na, alam mo ‘yung ganoon?

Doon ko na-realize kaya naman pala blessed ang babaing ‘to. “Kaya naman sabi ko itong pelikula na ‘to finally maiangat na  siya into a higher level as box-office star, you kow.

And to be honest like Vice (Ganda), Eugene (Domingo) and Ai Ai (delas Alas) kasi deserving niya talaga sa pelikulang ‘to. And this is perfect, ha, sinasabi ko talaga, eto ang ‘Petrang Kabayo,’ niya, ang ‘Kimmy Dora’ niya, eto ‘Ang Tanging Ina’ niya.

Suportahan natin at gawin nating blockbuster hit kasi deserve na deserve ni Pokwang ang mapunta sa level na ‘yun,” pakiusap pa ni John.

When we asked him during the question and answer portion sa presscon halata na tutulo na ang luha ni John pero bakit pilit niyang pinigil, support lang daw kasi siya sa movie at ayaw niyang mag-moment.

“Pero talagang when I talk about Pokwang lalo talaga akong nagiging emotional. Hindi, other than that, ‘yung nakakita ako ng isang tao na wala akong maipintas na ugali bilang  tao.

At sa talento bilang artista, napakahusay naman. Kaya tulungan natin siya na mapunta sa level na ‘yun kasi it’s about time,” dasal pa ni John for Pokwang.

Hindi naman daw siya muntik maiyak dahil sa topic na naudlot na launching movie niya sa Viva Films.  “Ay, hindi naman, syempre parang, ano ba? Ayoko rin namang manisi kasi baka ang ending sa akin bumalik.

Kaya lang syempre ‘di ba? Parang, may kontrata ako, pinapirma ninyo ako. Hindi ko naman ‘yan hiningi.  “Sila ang nagsabi sa akin na ilo-launch ka namin.

Parang pwede na, uso na ang bakla kasi si Vice na-launch namin. So, baka pwede na. Tapos nauna pa si Joey Paras na mabait na tao naman ‘yun kaya deserved din niya,” saad niya.

Mabuti nga at ‘di sila inintriga ni Joey, “Magkaibigan din kami ni Joey Paras, at least hindi kami inintriga. Kasi nga, ‘Oo nga. Bakit siya pa nauna? E, kapipirma lang niya?

E, ako ang kontrata ko last year pa?’ But then, nagpa-follow up naman ang Star Magic sa kanila at nagpapaalam sa kanila dahil nga, ah, bigay-pugay lang dahil naka-stipuate sa contract ko na kapag bida ‘yung dalawang ano, e, eto’ng ‘Call Center Girl’ support ako.”

( Photo credit to Google )

Read more...