Patay kay ‘Yolanda’ halos 2,000 na


HALOS umabot na sa 2,000 ang bilang nang nasawi sa bagyong Yolanda. Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council alas 7 ng gabi kagabi, sinabi ng spokesman nito na si Maj. Ray Balido, nasa 1,774 ang naitalang namatay sa bagyo habang umabot na sa  2,487 ang nasugatan at 82 pa ang nawawala.

Sa bilang ng Bandera, nasa 1,895 na ang namatay mula sa walong rehiyon. Sa Eastern Visayas, may kabuuang 1,660 ang namatay habang sa Central Visayas namay ay 59.

Sa Western Visayas, 158 na ang naitalang namatay — 119 dito ay sa Iloilo, 20 sa Capiz, 11 sa Antique, pito sa Aklan, at isa sa Negros Occidental.

Sa Palawan, siyam ang naiulat na namatay. Samantala ang mga lalawigan ng Quezon, Batangas, Masbate, Camarines Norte, Zamboanga City, at Surigao del Sur ay nakapagtala nang tig-iisang nasawi. suffered one fatalities each.

( Photo credit to INS )

Read more...