Doc Willie tatay daw ni Cassandra Ong: Fake news! Hindi rin ako drug lord!

Doc Willie tatay daw ni Cassandra Ong: Fake news! Hindi rin ako drug lord!

Doc Willie Ong, Cassandra Ong

BAD trip ang Doktor ng Bayan na si Willie Ong matapos siyang idamay sa kontrobersyal na personalidad na may koneksyon sa POGO na si Cassandra Ong.

“Fake news yan!” ang sigaw ni Doc Willie sa naglabasang balita na siya raw ang tunay na ama ni Cassandra Ong tulad ng inilabas ng ilang vlogs at website.

Si Cassandra Ong ay ang negosyanteng iniimbestigahan ngayon ng Senado dahil sa pagpapatakbo umano ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Porac, Pampanga.

Konektado rin umano si Cassandra sa umano’y POGO operation din ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na patuloy pa ring iniimbestigahan sa nagaganap na Senate hearing.

May karapatang magalit si Doc Willie dahil viral na ang isang YouTube video na may title na, “Cassandra Ong, inaming anak ni Doc Willie Ong!”

Baka Bet Mo: Almoranas ni Herlene gumaling dahil kay Doc Willie: First aid ka namin

Agad naman itong nilinaw ni Doc Willie na patuloy pa ring nakikipaglaban ngayon sa sarcoma o abdominal cancer.

Sa kanyang Facebook post mababasa ang kanyang mensaheng, “Hindi po tunay na related ako kay Cassandra Ong. Libo-libo ang may apelyidong Ong sa Pilipinas. Hindi rin ako drug lord.

“Fake news po lahat yan. Matino akong tao. Walang kasalanan kahit kanino. ‘Lord forgive these people and scammers for they don’t know what they do.’ God bless po,” sabi ng doktor.

Kasabay nito, nanawagan din siya sa isang news organization na itama ang inilabas nitong balita tungkol sa kanya at kay Cassandra Ong.

“Kindly remove or put a disclaimer in your previous news article labelling a certain Willie Ong as a drug lord.”

“Please write that this is not Doc Willie Ong, the candidate. Hindi po ako yon.  Baka pwedeng ayusin nyo naman ito. Ilan buwan kong tiniis ang libo libong batikos dahil sa reporting n’yo. God bless you,” ang panawagan pa niya.

Narito ang ilan sa comments ng netizens sa pagdawit kay Doc Willie kay Cassandra Ong.

“Grabe naman ito, doctor pa talaga idadawit nyo sa dinami dami ng ONG sa pilipinas napaka engot naman nyan.. get well soon po & pray lang po doc.”

“Doc Willie Ong Focus your mind on Positive Thinking God will punish the sinners We million followers of yours and God knows you are a very good and helpful Doctor so with your loving wife Doc Liza Fight for your Life God is watching Have Peace and be Happy everyday With God’s Healing Power we Pray you will be healed God bless.”

“Ang diyos lama ng ang nakakalam doc willie wag kang pahinaan ng loob magpalakas ka ganyan talaga ang kalaban gagawa at gagawa ng paraan laban lang doc willie magpagaling ka godbless you more.”

“Maawa naman po kau kay Doc Willie Ong  may sakit po cia pag Pray natin ang mabilis na pag galing ni Doc willie ong kesa e bash po  napakabait po nyang tao dmi po nia natutulungan basta Doc marami po kaming nag mamahal sau GOD IS GOOD PO.”

Read more...