Zephanie inaming takot na takot umarte: Mahiyain po kasi talaga ako!

Zephanie inaming takot na takot umarte: Mahiyain po kasi talaga ako!

Zephanie at ang iba pang cast members ng ‘MAKA’

PAREHO nang na-eenjoy ng Kapuso singer-actress na si Zephanie ang pagkanta at pag-arte sa harap ng mga camera.

Dream come true para sa dalaga ang mabigyan ng chance na makapagbida sa pinakabagong youth-oriented show ng GMA Public Affairs, ang “MAKA.”

Aminado si Zephanie na natatakot siyang pasukin ang larangan ng aktingan dahil ibang-iba nga ito sa pagiging singer and performer.

Pero tinanggap niya ang hamon ng GMA sa kanya na subukan ang pag-arte dahil naniniwala ang mga bossing ng Kapuso Network na bukod sa pagkanta ay may ibubuga rin siya sa akting, lalo na sa pagdadrama.

Baka Bet Mo: Zephanie, Marco, Ashley bibida sa GMA Gen Z series na ‘MAKA’

“Siguro po natututunan ko na pong mahalin ‘yung pag-arte kahit na before isa po siya sa greatest fear ko kasi mahiyain talaga ako noong bata,” ang pahayag ni Zeph sa panayam sa kanya ng media sa presscon ng “MAKA.”

Sabi pa ng Kapuso youngstar, “Acting has always been part of performing.”


“I know with singing po, nandu’n pa rin po ang pag-arte kasi you have to sing with emotions and ‘di naman lahat ng kanta nakaka-relate ako pero dahil po it’s art, part po ‘yun ng pag-arte.

“Feeling ko po ever since nandoon na po siya sa heart ko and mas nag-fire up po siya noong talagang napasabak po ako sa pag-arte.

“And lahat po ng nakatrabaho ko ever since, mayroon po silang na-impart sa akin na kung bakit mas napapamahal po ako sa pag-arte.

“Nandu’n pa rin po ‘yung pagkanta, mahal ko pa rin ‘yung pagkanta, pero ngayon pareho na,” pahayag pa ni Zephanie.

Samantala, Gen Z man o feeling Gen Z, hindi pinalagpas ang pagsisimula ng “MAKA” nitong Sabado, September 21, ng mga manonood.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga Kapuso sa programa kaya nakapagtala ito ng 6.6 percent (higit na mas mataas sa 1.4 percent rating ng katapat nitong programa), batay sa preliminary/overnight data ng NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines.

Sa pag-uumpisa ng serye, nabalitaan ng high school students ng Douglas MacArthur High School for the Arts a.k.a. MAKA na nanganganib nang ipasara ang kanilang eskwelahan. Para manatili itong bukas, kailangan nilang manalo sa upcoming Regional Drama School Competition.


Tanggapin kaya ng award-winning playwright at art theater director na si Sir V (Romnick Sarmenta) ang pakiusap sa kanya na magturo bilang Art teacher sa Arts & Performance (A&P) section ng MAKA High?

Ang “MAKA” ay pinagbibidahan nina Sparkle stars Zephanie, Ashley Sarmiento, Marco Masa, Olive May, John Clifford, Dylan Menor, Chanty Videla, Sean Lucas, at May Ann Basa a.k.a. Bangus Girl.

Mapapanood din sa programa ang “That’s Entertainment” alumni na sina Tina Paner, Jojo Alejar, Sharmaine Arnaiz, at Maricar De Mesa, pati na rin si veteran actress Carmen Soriano.

Ma-entertain at ma-inspire sa buhay ng mga estudyante ng “MAKA” tuwing Sabado, 4:45 p.m. sa GMA.

Read more...