Sofia Andres parehong nirerespeto sina Kathryn at Daniel: I’m fair!

Sofia Andres parehong nirerespeto sina Kathryn at Daniel: I'm fair!

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Sofia Andres

WALANG katotohanan ang chika na dinededma rin ng aktres na si Sofia Andres ang ex-boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla.

Marami kasi ang nag-iisip na pinutol na ni Sofia ang friendship nila ni Daniel matapos silang magkahiwalay ng BFF niyang si Kathryn.

Sey ng aktres at celebrity mom, pareho pa rin niyang kaibigan sina DJ at Kath at nananatili pa rin ang respeto at pagmamahal niya sa dating magdyowa.

Kahit daw nag-break na sina Daniel at Kathryn ay nakakasama pa rin niya ang mga ito sa iba’t ibang pagkakataon. Hindi raw uso sa kanya ang salitang kampi-kampihan.

Baka Bet Mo: #SanaAll: Sofia Andres ipagagawa na ang dream house para sa pamilya

“Actually, my partner Daniel (Miranda) is close to DJ (Daniel) talaga so they still hang out. Ako naman I hang out with Kath. Wala namang bad blood,” ang pahayag ni Sofia sa mga miyembro ng press.

Dagdag pa ng aktres, “I respect both sides kasi siyempre sila ‘yung nakakaalam. I’m fair.”


Matagal nang magkakaibigan sina Sofia, ang asawa niyang si Daniel Miranda at sina DJ at Kath kaya naman mahirap nang tibagin o sirain ang kanilang sanahan.

Kasama rin nila sa kanilang circle of friends si Joshua Garcia at ang mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde.

Una namang nagkasama-sama sina Sofia, Kathryn at Daniel sa 2012 ABS-CBN series na “Princess and I.”

Matatandaang noong November, 2023 inamin nina DJ at Kath sa publiko ang kanilang breakup sa pamamagitan ng social media. Naging national issue pa nga ang katapusan ng kanilang 11-year relationship.

Read more...