HIS voice cracked when he gave us all a stern warning of the heartbreaking images of the aftermath of “Yolanda”.
I am referring to the voice of Tacloban City Mayor Alfred Romualdez whom I spoke with on the phone over Radio Inquirer’s program Banner Story.
He said: “Do not underestimate the strength of the storm. Everything is being whipped. Everything is shattered. We believe the storm is actually stronger in winds and speed that it was forecasted to be.”
That would be his last broadcast interview for that day as the lines of communications went off after that interview with us.
The photos speak volumes of the varied human emotions caused by “Yolanda”.
Tacloban City pa lang yung una nating nakita. Ang totoo, marami pang ibang lugar ang labis na naapektuhan.
Kung ang coastal city na tulad ng Tacloban ay nilubog ng mala-tsunaming taas ng tubig dahil sa storm surge o tubig mula sa karagatan, paano pa kaya ang mga coastal towns? Isa ang Coron sa Palawan sa ganito ang karanasan. Maliban doon ay may limang iba pang bayan sa Northern part ng Palawan ang hindi pa nararating ng tulong.
Ayon kay Mayor Clara Reyes ng Coron, 100 porysento ang pagkawasak na kanilang naranasan.
“Walang nakaligtas na bahay ni isa,” yun ang kanyang sinabi sa amin. Nang manumbalik ang signal ng telekomunikasyon sa kanilang lugar, nakipag-ugnayan kaagad siya sa Provincial Government ng Palawan at iyon ang unang nakapagbigay ng tulong sa kanila ngunit maging iyon, ang bigas at iba pang delatang pagkain, ay supply na hindi magtatagal ayon kay Reyes.
Alam na natin ang nangyari sa Coron, ngunit sa ibang lugar na dinaanan din ng bagyo, gaano ba kalala ang sitwasyon?
Isang bayan sa Leyte, ang Carigara, na dinaanan ng bagyong Yolanda na hanggang ngayon ay wala pang komunikasyon.
Napakasakit para sa isang kagawad ng media na wala kang makuhang balita sa lugar na kinalalagyan mismo at tinitirahan ng iyong pinakamamahal na ina. Isang kasamahan sa hanapbuhay ang nagtanong sa akin kung may balita mula sa Carigara, sa Barangay Ponong.
Taga roon kasi ang kanyang ina, at saka niya ibinigay ang pangalan nito para sa anumang balita. Ang pinakamabigat na hamon ngayon ay ang kumalap ng impormasyon at ibigay ito ng tama at nang mailapat ang naaayong pangangailangan ng bawat komunidad na naapektuhan.
Mahirapan mang gawin iyon, ang larawan na unang nakita ng lahat sa Tacloban ay kumakatawan na sa kung ano ang naganap sa iba pang mga lalawigan na dinaanan ng pinakamalakas na bagyong naitala sa daigdig sa kasaysayan ng makabagong panahon. Natural calamities such as super typhoon Yolanda serve as a test of character not just for the people but especially so on the part of the elected officials both in the national and the local government.
Ito yung talagang subukan na ng kakayanan at katatagan ng puso at isip sa serbisyo publikong kanilang sinumpaang gagawin.
Hindi katanggap-tanggap na madinig ang wala silang magagawa para ibsan ang pait na naranasan ng mga nabiktima, kahit pa nga ang nandudumilat na katotohanan, maging sila, lalo na silang nasa lokal na pamahalaan, ay mga biktima din.
Dito papasok ang national government. At dito pinakainaasahan ang pinakamataas na pagpapakita ng kakayanan at katatagan.
Dito, sa pagkakataong ito, maramdaman ang kamay ng pamahalaan.