Bossing matikas pa rin, kering-keri pang buntisin si Pauleen

VIC SOTTO AT PAULEEN LUNA

May nagtanong sa amin, kung keri pa raw ni Bossing Vic Sotto na buntisin si Pauleen Luna! Ha-hahaha! Kaloka, di ba? Ang sagot namin, siguro naman!

Mukha pa namang matikas si Bossing at feeling ko, kayang-kaya pa niyang bigyan ng baby si Poleng. Sa pagkakaalam ko kasi, kahit na may edad na ang isang lalaki, meron pa rin itong kapasidad na makabuntis. Unlike sa mga babae na kapag lagpas 40 na ay mahihirapan na siyang magdalang-tao at manganak.

Pero ang tanong diyan, gusto pa ba ni Vic na magka-baby? Type pa ba niyang buntisin si Poleng? Komento ng isa naming kapitbahay, “Pansinin mo, yung mga huling naging dyowa ni Vic hindi niya pinakasalan at hindi rin niya nabuntis, tingnan mo si Pia Guanio? Kaya posibleng ayaw na ring magka-baby ni Bossing, at lalong wala na rin siyang balak magpakasal, kaya wag nang umasa si Pauleen.”

Mey ganyan! Feeling naman namin, naghihintay lang ng tamang tiyempo si Vic, siyempre, hindi rin naman biro ang pagpapakasal uli. At kung totoo nga ang sinasabi nila ni Pauleen na true love ang nararamdaman nila, at ang Diyos ang sentro ng kanilang pagmamahalan, malaki pa rin ang posibilidad na sa simbahan din ang tuloy ng kanilang relasyon.

Samantala, sa presscon naman ng latest comedy movie ni Pauleen na “Gaydar” showing on Nov. 13 kasama sina Tom Rodriguez at Rafael Rosell, inamin niyang mahina ang kanyang gay radar. Hindi raw niya agad napi-feel kung ang isang lalaki ay bading. Ganito rin ang role niya sa nasabing pelikula.

Natanong naman siya kung nagkaroon na siya ng boyfriend na mukhang lalaking-lalaki pero beki pala, “Mahina ang gaydar ko. I have friends na nalaman ko na lang na bading sila noong nag-out! Non-showbiz ‘yun.”

“Hindi ko alam kung meron akong ganu’n. Ha-hahaha! Hindi ko talaga alam. Mahina ang gaydar ko. I have instances na feeling ko talaga, lalaki. Then, another friend would tell me, gay pala. Ha-hahaha!”

Ano naman ang comment ni Bossing sa pagpapatawa niya sa “Gaydar”, “Noong una, seryoso, poker face! Sabi ko, ‘Tumawa ka naman. Kahit show-off lang.’ Ha-hahaha! Tapos sabi niya sa akin, ‘Ano ka ba, kahit nga sa sarili ko hindi ako natatawa.’ Pero nakita ko, tumatawa siya!”

Read more...