Cyber libel case laban kay Enchong Dee hindi iuurong ng kongresista

Cyber libel case laban kay Enchong Dee hindi iuurong ng kongresista

HINDI pa pala tapos ang kasong cyber libel laban kay Enchong Dee na isinampa ni Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim.

Tatlong taon na ang nakararaan nang mag-post si Enchong sa kanyang Twitter account na burado na ngayon tungkol sa magarbong kasal ng kongresista sa Balesin Island Resort, Polilio, Quezon.

May parinig pa ang aktor na tila galing sa pondo ng party list ni Bautista na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights o DUMPER ang ginamit sa kasal  noong 2021.

Ito ang ibinalita ni Jobert Sucaldito sa “OOTD” (Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon) vlog nila ni Direk Chaps Manansala na in-upload kagabi sa YouTube.

Ayon sa “OOTD” host ay nagpunta siya ng Congress nitong Lunes, Setyembre 9.

Baka Bet Mo: Enchong humuhugot kay Kobe Bryant, tinitingala sina Piolo at Jericho

“Sinamahan ko lang si Mama Daisy (Romualdez) kasi mayroon silang engagement na pinag-uusapan.

“Ngayon I saw this lady na nakaupo sa malaking office table ang ganda-ganda niya, ang ganda ng damit sabi ko parang congresswoman ito, eh, kaya in-approach ko, sabi ko, ‘you look familiar ma’am, are you congresswoman?’

“Sabi niya, ‘I am Claudine Baustisa Lim’, o kita mo na familiar sa akin, ito ‘yung kalaban ni Enchong Dee!” kuwento ni Jobert.

Nagbalik-tanaw ang dalawang “OOTD” host na kamakailan ay napag-usapan nila si Enchong na nahihirapan daw dumalo sa hearing ng kaso nito sa Davao Occidental at nanghingi na raw siya ng tulong sa mga kaibigan niya tulad ni Congressman Arjo Atayde.

Say ni Direk Chaps, “Nahihirapan na pupunta siya roon, ang layo tapos walang dumarating at naka-cancel ang mga hearing. Kawawa naman talaga (si Enchong).”

Inakala ni Jobert na tapos na ang kaso dahil tahimik na at hindi rin naman nag-a-update ang aktor tungkol dito, so inakala ng lahat na okay na.

“Kaya tinanong ko, sabi ko, ‘madam how is the case? Tapos na ba ‘yung kaso ninyo ni Enchong?’” tanong ni Jobert kay Congw. Claudine.

“Sabi niya, ‘no, hindi pa tapos. You know what, masyado talaga kaming nasaktan.’ Nainsulto sa ipinost (ni Enchong). Sabi pa, ‘in fact when I was four months pregnant muntik na akong magka-miscarriage (dahil sa stress).

“As years went by, siya (Congw. Claudine) naka-move on na pero ang na-offend daw nang husto up to this day ay ang kanyang husband, because he is a private businessman at galing sa prominenteng pamilya at mayaman.

“Sabi niya, ‘imagine jobs ng husband ko, he handles 18 branches from different areas in Mindanao ng Toyota (dealer),” kuwento ni Jobert

Tinanong din kung anong mangyayari sa kaso at baka puwedeng i-convince ng kongresista ang husband niya na tapusin na lang tutal nag-public apology na si Enchong.

Sinubukan daw ni Congw. Claudine pero hindi pa rin daw napilit ang husband niya.

“Ang sabi raw ng husband niya at kasama siya, they are demanding P20 million for danyos perwisyo ni Enchong Dee para raw mai-donate nila sa scholarship at kung kanino pa.

“Hindi naman daw nila kailangan ‘yung pera kasi they have their own money.  Sabi ko, ‘ako, I am praying na sana matapos na,” saad ni Jobert.

Hindi lang malinaw kung ang P20 million danyos na hinihingi ng kampo ng kongresista at hiwalay pa sa P1 billion halaga na unang nabanggit noong isampa ang kaso laban kay Enchong.

Read more...