Tingnan n’yo si Regine Velasquez, talagang she let go of some of her most valuable belongings.
Nakita namin sa Instagram ang ilang designer bags na ipapa-auction ni Regine para lang makatulong sa mga nasalanta ng bagyong si Yolanda. And mind ya, designer bags lahat ng kanyang ipapa-auction tulad ng Louis Vuitton, Hermes, Chanel. She also let go of her Cary Santiago gowns.
Ipina-auction din niya ang isang singsing at necklace na super important sa kanya, she posted it sa kanyang Instagram with caption, “Do you guys remember these my butterfly ring and my reigne necklace (18 k with one diamond ) yup I’m parting with these two also. Please follow my official fan page @thervfriendsofficial auction will here please help us po thank you.”
Ganyan si Regine when it comes to helping people. Kaya niyang magsakripisyo.
Si Angel Locsin din ay maraming relief goods ang ipinamahagi sa mga Yolanda victims. Isa siya sa mga nanguna sa pagbibigay ng tulong. Katuwang niya sa relief operations ang Philippine Red Cross.
Ang isa pang generous ay itong si Anne Curtis. She posted some of her items na ipina-auction noong weekend. Mga bags, designer clothes at iba pang mga bagay ang kusang ipinamigay ni Anne para makalikom ng pera for Yolanda victims.