WALA pang binanggit ang award-winning director na si Yam Laranas kung kailan ang simula ng shoot nila ng bagong GMA series na “Severino.”
Balitang under negotiation pa yata sila dahil ang gusto ni Direk Yam ay siya ang magdirek at sumulat ng script kasama ang writing team ng “Severino.”
Nakita kasi namin ang larawang ipinost ni Dennis Trillo kasama si Direk Yam at ang caption ay, “#SEVERINO #yamlaranas.”
Bukod dito ay may larawan din ang aktor na kasama sina Meryll Soriano, Chai Fonacier at Dolly De Leon.
Baka Bet Mo: Dennis Trillo nagsalita ukol sa viral comment na ‘May ABS pa ba?’
Tinanong namin kung may pressure ba sa Team “Severino” dahil sa pelikulang “Mallari” ni Piolo Pascual na kaliwa’t kanan ang nakuhang awards kabilang na sa 2023 Metro Manila Film Festival, 2024 Manila International Film Festival, 2024 FAMAS, The 7th EDDYS Awards at 40th PMPC Star Awards for Movies kung saan ilang beses nanalong best actor si Papa P.
“Walang pressure pero I’m expecting a lot of challenges sa storytelling kasi ‘true crime’ ito na more than one year na in research and development,” paliwanag sa amin ni Direk Yam.
Magkaiba raw ang pelikulang “Mallari” sa “Severino” series ng GMA 7.
“Iba ito sa Piolo movie kasi ito ‘yung purely storytelling ng history and infamy ni Padre Severino, believed to have killed more than 50 people nu’ng early 1800’s.
“Na pre-date niya si Jack, The Ripper kaya may historical importance ito sa pag-aaral ng mga serial killers sa buong mundo.
“Si Severino, although di pa naman na-coin ‘yung term na ‘serial killer’ noon ay believed na pumatay ng napakaraming tao,” esplika ni Direk Yam na kaliwa’t kanan ang awards sa lahat ng award giving bodies hanggang sa ibang bansa.
Nasambit din ng direktor na matindi si Severino kung ikukumpara sa ibang serial killers.
“Mas grabe pa siya sa mga infamous serial killers gaya nina Ed Gein, Gacy (John Wayne), Bundy (Ted), and Dahmer (Jeffrey),” say pa nito.
Samantala, ilang taong hindi nagparamdam si Direk Yam na rati’y kada buwan ay may pelikula sa Vivamax. Nagpunta pala siya ng Amerika at inalam din namin kung nakagawa siya ng pelikula roon.
“US for family and alone time,” kaswal na sagot ni Direk Yam.
Hindi naman daw siya nakagawa ng proyekto roon, “Writing non-stop only.”
Tinanong namin kung bukod sa “Severino” series ay may pelikula ba siyang gagawin o ginagawa pero hindi na kami nasagot habang sinusulat namin ang balitang ito.
Welcome back Direk Yam!