Dahil nga sa magandang record natin sa mga international beauty pageants, hindi nakapagtatakang pangarapin talaga ng maraming Pinay ang makasali sa mga ganitong patimpalak.
Isa na riyan si Winwyn Marquez, anak nina Alma Mroeno at Joey Marquez na this early ay isinisingit na sa kanyang showbiz sked ang mga bagay-bagay tungkol sa beauty pageant.
Noong huli naming makausap ang maganda at seksing anak nina Ness at Tsong ay consistent ito sa pagsasabing in two years time pa niya planong sumali sa Binibining Pilipinas.
Magbago na kaya ito ngayong nakapuwesto na naman tayo sa Miss Universe, na siya ring title na type niyang salihan if ever palarin siya. Kahit nga yung involvement niya sa pulitika ay trip niyang lagyan ng Miss Universe peg dahil aniya, “Keribels naman na matupad ang dream kung paghahandaan at ipagdarasal, di ba?”
Two-year contract ang pinirmahan ng dalaga sa GMA network at kering-keri nga nito ang serye niya sa Kapuso na Dormitoryo na napapanood tuwing Linggo ng hapon.
Though nakakatakot ang serye dahil multo nga ang role niya sa naturang youth-oriented soap, hindi naman daw basta natatakot ang batang aktres. Siya rin kasi yung tipo na matibay ang pananalig at marunong magpahalaga sa mga tao.
“Naniniwala po kasi ako na basta mahusay kang makisama, lahat nagiging positive,” sey pa ng matatawag na “friend of all time” sa mga tulad nina Enzo Pineda, Mayton Eugenio, Joyce Ching at kay Lauren Young na inilalarawan niyang sobrang prangka.
Sila rin ang mga kasama niya sa Dormitoryo at wish niyang maging super close sila kahit matapos na ang soap.
In fact, sa dalas palang maging good listener ni Winwyn sa mga usaping puso ng mga kaibigan gaya ni Rocco Nacino ay napagkakamalan na itong one of the boys.
“Alam mo ang weird kasi mas close po ako sa mga guys, since lumaki po kasi ako sa bahay, ako lang yung babae. Ang kasama ko si kuya Mark Anthony, Vandolph, Jeremy, so yung mga guys, yung mga problema nila, naiintindihan ko since nakikita ko yun na ginagawa before ng mga kapatid ko so, ewan ko siguro ganu’n talaga,” sey pa ng batang aktres.