2 taga-Metro Manila naka-jackpot ng P281-M sa lotto

2 taga-Metro Manila naka-jackpot ng P281-M sa lotto

NANINIRAHAN sa Metro Manila ang dalawang tao na maghahati sa mahigit P281 million jackpot prize ng Grand Lotto 6/55.

Ang impormasyon na ito ay inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon sa ahensya ng gobyerno, ang total na paghahatian ng dalawa ay nagkakahalagang

₱281,263,080.00 na binola noong Sabado, September 7.

Baka Bet Mo: SB19 aminadong tumataya ng lotto: Bonding po namin!

 

Ang winning numbers na maswerteng nahulaan ng dalawa ay 31-03-17-47-24-20.

Ayon pa sa PCSO, nabili ang winning ticket sa lotto outlets sa Lucky Circle Corp. sa SM BF Parañaque City at ang isa naman ay sa Metro Retail Stores Group Inc., sa Muntinlupa City.

Mayroon lamang isang taon ang mga nanalo sa Grand Lotto 6/55 para kunin ang kanilang napanalunan sa PCSO main office sa Mandaluyong.

Basta’t i-present lamang ng mga lucky winners ang kanilang winning ticket at ang dalawa valid IDs.

Sa ngayon ay wala pang balita kung na-claim na ng dalawa ang kanilang premyo.

Read more...