Netizens umalma kay Noy

BUMUHOS sa Twitter ang pagkadismaya ng mga Netizens nang mag-walk out si Pangulong Aquino sa pulong ng disaster risk reduction sa tacloban City, at tinawag ang punong ehekutibo na “brat” o “diva.”

Nag-walk out si Aquino nang di niya magustuhan ang ulat na 99% na nasira sa Tacloban.  “Paano ang City Jail na nakatayo pa?” tanong umano ni Aquino sa nag-uulat.

“But you did not die, right?” tanong ni Aquino sa nag-uulat.   Bumalik si Aquino sa pulong pagkalipas ng ilang minuto.

Inihambing ni Twitter Marlon Buenaventura (@Ionbuen) ang pangulo sa bata na nagalit kay Cheska Montes (@cheskamontes): “Is it timely to be a brat?”

“Mr. President is acting like a kid! Our kababayans need your help, walkout is not a help!” ani Kers Regis (@KerwinRegis).
Ani Paula Sabrine (@sprocketscience), “Because we’re mature like that.”
Ayon sa mga Netizens, dapat unahin ang relief at rescue.  “This is not the time for drama,” ani Daffy May Jonson (@daffymayj).

Tinawag ni Raymond Roque (@emonroque) ang pangulo na “diva.”

Ayon kay Street Lawyer (@Bahala_Na), “BS Aquino – A leader that walks out on his people in times of calamity.”

Kinuwestiyon ni Ran Ni Yel (@rhanbaldago) ang pag-walk out ni Aquino at sinabi di ito nakatulong sa mga binagyo.

Read more...