MAY mga bagong reyna na ang Mutya ng Pilipinas!
Naganap ang coronation night sa San Juan City noong Biyernes ng gabi, September 6.
Ang nagwagi ng top award na Mutya ng Pilipinas-Intercontinental ay si Alyssa Redondo, ang pambato ng Filipino community sa California.
Ang nagpasa sa kanya ng korona ay ang 2022 winner na si Iona Gibbs.
Magugunitang dalawang taon na-postpone ang nasabing beauty pageant dahil sa nangyaring pandemic break at nitong taong 2024 lamang ito natuloy.
Baka Bet Mo: Alyssa wish maka-collab ang BINI; babu na sa mga beauty pageant
Bukod sa titulo, ilan pa sa mga napanalunan ni Alyssa ay ang Best in Swimsuit, pati na rin ang special awards na Miss Jipang Trim, at Mutya ng Pilipinas-Luxe Skin.
Samantala, ang nakapag-uwi ng titulong Mutya ng Pilipinas-Tourism International ay si Liana Barrido ng Batangas City.
Nagwagi naman ng Mutya ng Pilipinas-World Top Model crown si Anne Klein Castro from Pampanga.
Si Arianna Pantaleon mula sa Filipino community ng Canada ang nakakuha ng Mutya ng Pilipinas-Environment International.
Ang kinoronahan naman ng Mutya ng Pilipinas-Overseas Communities ay si Aiyen Ysabel Maquiraya mula sa Filipino community ng Washington State.
Bukod diyan, nagkaroon na rin ng bagong titulo na Mutya ng Pilipinas-Charity na binuo dahil sa naging partnership kasama ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na napunta kay Xena Ramos from Manila.
Ang itinanghal naman na Mutya ng Pilipinas-Luzon ay si Christine Enero ng San Dionisio, Parañaque City, ang Mutya ng Pilipinas-Visayas ay si Stacey De Ocampo from Pangasinan at ang Mutya ng Mindanao ay si Jireh Mayani na pambato ng Davao City.
Ang Mutya ng Pilipinas ay itinatag noong 1968 at ito ang ikalawang longest-running national pageant sa bansa.