TULUYAN nang sumakabilang-buhay ang Brazilian music legend na si Sergio Mendes sa edad na 83.
Para sa mga hindi aware, si Sergio ang nagpasikat ng 1996 hit na “Mas Que Nada” na naging dahilan kaya siya naging global superstar.
Ang pagpanaw ng iconic singer ay kinumpirma ng naiwan niyang pamilya at ang rason ay ang epekto ng long Covid.
“His wife and musical partner for the past 54 years, Gracinha Leporace Mendes, was by his side, as were his loving children,” sey sa pahayag.
Wika pa, “Mendes last performed in November 2023 to sold out and wildly enthusiastic houses in Paris, London and Barcelona.”
Baka Bet Mo: James Arthur, Alok naglabas ng collab song, magpapaindak sa dance single na ‘Work With My Love’
Bago sumali sa jazz groups, si Sergio ay nag-aral ng classical music sa isang conservatory.
Noong 1650s hanggang early 1960s ay nagsimula naman siyang tumugtog ng Bossa Nova, kasama ang ilang Brazilian musicians kabilang na sina Antonio Carlos Jobim, João Gilberto, at marami pang iba.
Taong 1962 naman nang magpunta siya sa New York upang magtanghal sa Bossa Nova festival, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataon na makipag-collaborate sa sikat na American saxophonist na si Cannonball Adderley.
Dahil diyan, nagkaroon siya ng first-ever American record na “The Swinger from Rio” under Atlantic Records.
Makalipas ang dalawang taon, siya ay nanirahan na sa California at diyan nabuo ang “Brazil ‘64” na kalauna’y naging “Brazil ‘66” matapos madagdagan ng dalawang female vocalists.
Tampok sa debut album ng grupo ang hit song na “Mas Que Nada.”
Pero alam niyo ba na hindi sila ang orihinal na lumikha ng kanta?
Ang composer niyan ay si Jorge Ben Jor at inilabas ang kanta noong 1963.
Pero ‘yan ay inupdate ni Sergio after three years at ito ay naging worldwide hit.
Ilan pa sa mga naging hit songs ni Sergio ay ang cover songs na “The Fool on the Hill” at “With a Little Help from My Friends” ng The Beatles, pati na rin ang sarili niyang Brazilian chant na “Magalenha.”
Taong 1992 nang tinanggap ng legendary singer ang parangal na “Best World Music Album” mula sa Grammy Award dahil sa album niyang “Brasileiro.”
Nagkaroon din siya ng Oscar nomination na “Best Original Song” sa animated film na “Rio” noong 2012.