Andi ‘binarag’ ang komentong dapat hindi puro ‘surfing’ ang atupagin ng anak

Andi ‘binarag’ ang komentong dapat hindi puro ‘surfing’ ang atupagin ng anak

PHOTO: Instagram/@andieigengirl

PINATULAN ng celebrity mom na si Andi Eigenmann ang mga pumupuna sa pagpapalaki sa kanyang mga anak, lalo na kay Lilo.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ibinandera ni Andi ang video ng anak na babae na mag-isang nagse-surf sa kabila ng murang edad.

Kalakip niyan ang kanyang caption na tungkol sa isang unsolicited advice na ang sabi ay dapat ipasok sa paaralan ang kanyang anak imbes na puro pagse-surf ang inaatupag. 

“Someone somewhere on the internet told us to put her in school instead of letting her surf,” wika ni Andi.

Ang sagot diyan ng celebrity mom, “She’s doing both, and excelling in both. Thanks very much.”

Baka Bet Mo: Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak

PHOTO: Instagram Story/@andieigengirl

Sa isang separate post sa IG, proud na ibinahagi ni Andi ang husay ni Lilo sa nasabing water sports.

“Our [five-year-old] Lilo taking on bigger waves by the day. Always smiling amidst these wipeouts too,” caption ng dating aktres.

Kwento pa niya, “They choose to start most of their mornings this way. A surf sesh, skate sesh or just a nice walk outside with papa (Philmar Alipayao) and the dogs.”

“It’s a good way to get her energized and in the mood for some kindergarten activities at home afterward,” aniya pa.

Kung maaalala noong Hunyo, proud na plinex nina Andi at Philmar ang isa pa nilang anak na si Koa dahil sa astig nitong surfing skills na walang kasama kahit ito ay nasa edad 3.

Mapapanood sa post ng professional surfer na nakasuot ng life vest si Koa habang enjoy na enjoy na nakatayo sa surfboard at sinasabayan ang waves sa isang beach sa Siargao.

Samantala, ang anak naman ni Andi sa dating partner na si Ellie ay sasabak na sa panibagong journey sa buhay dahil mag-aaral na ito sa Maynila at maninirahan sa kanyang ama na aktor na si Jake Ejercito.

Read more...