Bianca Gonzalez nagbabala sa violent bashers ng ‘PBB’ housemates

Bianca Gonzalez nagbabala sa violent bashers ng PBB housemate

MAGING ang “Pinoy Big Brother” main host na si Bianca Gonzalez ay hindi na nakapagpigil sa lumalalang pambabatikos ng mga netizens sa mga housemates sa loob ng Bahay ni Kuya.

Paano ba naman kasi ay kanya kanyang away na ang mga fandoms ng housemates sa online world at tila walang gustong magpatalo at nais na mas lamang ang kanilang sinusuportahan sa ibang housemates.

At bilang isa sa parte ng programa, mukhang nakarating na rin kay Bianca ang bangayan ng netizens kaya agad itong nagpaalala tungkol sa bullying at bashing ng mga manonood.

Bukod pa kasi sa simpleng bashing ay tila nagiging bayolente na ang mga ito at may kumakalat na ring video clips na sa oras na lumabas na ang naturang housemates at makita nila ito sa outside world ay sasaktan daw nila ito.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez feeling sentimental, binalikan unang trabaho sa ABS-CBN

Sa kanyang X (dating Twitter) ay ipinaalala ni Bianca na bagamat parte na ng pagiging housemate ang ma-bash ay hindi naman katanggap-tanggap ang mga foul words at threats na ibinabato ng mga fans sa kinaiinisan nilang housemate.

“Yes, ‘bashing’ comes with the territory of being a housemate, pero INEXCUSEABLE yung posts with defamation and threats of harm to the housemates,” saad ng “Pinoy Big Brother” main host.

Dagdag pa niya, sa mga taong nakakakita ng mga hindi kanais-nais na posts o pambabash sa housemates ay agad itong i-report.

“To those alarmed by how harmful some posts are, you can REPORT these posts. I do too,” sey pa ni Bianca.

Read more...