‘Dear Satan’ ni Paolo Contis binigyan ng X rating; Lala Sotto na-offend

'Dear Satan' ni Paolo Contis binigyan ng X rating; Lala Sotto na-offend

BINIGYAN ng X-rating o hindi pinayagang ipalabas sa publiko ang pelikula ni Paolo Contis na “Dear Satan” ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pinamumunuan ni Lala Sotto.

Sa nagdaang finance hearing para sa 2025 budget ng MTRCB at Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay ipinaliwanang ng chairperson kung bakit ito ang kanilang naging hatol sa pelikula na nag-violate raw sa Presidential Decree (PD) No. 1986.

“It was given an X rating. They have not appealed yet, but it has been found to be violative of the PD 1986,” lahad ni Lala Sotto.

Pagpapatuloy pa niya, “I have seen the film. I joined the board. I am offended as a Christian. It is not demonic, but it has a different depiction of Satan becoming good. But Satan will never ever be good.”

Baka Bet Mo: Pelikula ni Paolo Contis na ‘Dear Satan’ papalitan ng title?

Samantala, ipinaliwanag naman ni FDCP chairman Jose Javier Reyes na parte ng Movie Workers’ Welfare Foundation (Mowelfund) workshop script ang “Dear Satan” kung saan tungkol ito sa isang batang babae na nais sumulat kay Santa Claus ngunit nagkamali ito ng spelling na sa halip na “Santa” ay naging “Satan”.

“And it was Satan who received her wish, her wish list for Christmas. So, Satan came to life and went to the little girl and was humanized by the little girl in the process,” lahad ni Reyes.

Matatandaang naisulat na namin dito sa BANDERA ang patungkol sa reklamo ng ilang netizens ukol sa titulo ng pelikula dahil sa maaring maging epekto nito sa makakarinig at makakapanood lalo na’t may kasamang bata sa pelikula.

Nangako nag producer nito, ang Mavx Productions Inc na papalitan nila ang titulo ng pelikula at nilinaw na nais lang naman ipabatid ng pelikula ang mensahe na mananalo pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan.

“Dear esteemed viewers, we hope this message finds you in good spirits. We are reaching out to address some concerns that have been brought to our attention regarding our recent film, ‘Dear Satan,’” bahagi ng pahayag ng produksyon.

Dagdag pa nito, “First and foremost, we want to extend our deepest apologies if the title of our movie has caused any offense or discomfort. It was never our intention to hurt or disrespect anyone’s religious beliefs. Our aim has always been to create content that entertains while conveying meaningful messages.”

Read more...