Dan Fernandez iniintriga kay Cassandra Li Ong; past is past na kay Ivana?

Dan Fernandez iniintriga kay Cassandra Li Ong; past is past na kay Ivana?

Ivana Alawi, Dan Fernandez at Cassandra Li Ong

TINANONG kami ng isang kaibigang nasa ibang bansa tungkol kay Ivana Alawi, sila pa rin daw ba ni Congressman Dan Fernandez, ang lone representative ng Sta. Rosa, Laguna.

“Naging sila ba?” balik-tanong namin sa aming kaibigan at sinagot kami ng, “Ano ba, balita ‘yan noon pa dito sa (isang city sa Amerika).”

Anyway, kaya pala tinanong kami kung sina Ivana at Cong. Dan pa ay dahil nabanggit daw ni Jobert Sucaldito sa vlog nila ni Direk Chaps Manansala na “Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon” o “OOTD” sa YouTube na tila nali-link ang huli kay Katherine Cassandra Li Ong na point person ng kumpanyang Whirlwind at Lucky South 99 POGO.

Baka Bet Mo: Kaladkaren sinalubong ang Bagong Taon kasama ang fiancè: ‘Walang putukan pero may…kabayo-han!!!’

Kaagad naming pinanood ang “OOTD” online show nina direk Chaps at Jobert.


Ang topic ng dalawang host ay tungkol sa nakaraang congressional hearing ni Cassandra Li Ong na dahil laging ayaw sagutin ang mga tanong ng mga kongresistang kasama sa panel kaya nagbotohan na i-cite for contempt siya at plano siyang ilipat sa The Correctional Institution for Women na nasa Mandaluyong.

Naging emosyonal daw itong si Cassandra Li Ong, “Parang natakot kasi kung doon sa congressional detention center siya ay aircon ‘yun (at) maganda ‘yung lugar ay ililipat ka ba naman sa very open women’s correctional na one of the prisoners, so parang natakot at kailangan niyang humingi ng advice sa kanyang lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio.

“Ngayon nang tinatanong daw ni Cong. Dan Fernandez itong si Cassandra Li Ong ay napansin ni Congressman (Romeo) Acop na napakaraming alam ni Dan Fenandez na hindi niya alam about Cassandra Li Ong.

Baka Bet Mo: Janella, Markus galit na galit sa nam-bully sa kanilang baby; basher nagmamakaawang nag-sorry

“Kaya nag-joke siya (Cong. Acop) sa hearing na bakit malagkit ang tingin ni Cong. Dan Fernandez kay Cassandra Li Ong, sila raw ba ay nag-uusap after the hearing?

“And finally umamin si Cassandra Ong kasi binoboses din niya ang sinasabi ni  Cong. Dan Fernandez, ‘yes’ na parang tinutulungan siya ni Dan Fernandez na nag-yes, so, nag-yes din siya,” aniya.

Tanong daw ni Cong. Acop ayon kay Jobert, “Nagtatawagan ba o nagte-textan kayo and both daw isang text at isang tawag. It sounded like a joke, nagtatawanan ang mga congressman  pero at the back of my mind, this is very alarming.


“Because you are there for an investigation sa napakalaking issue that had killed a lot of life, that had tortured so many people, and di ba nag-cause ito ng threat sa National Security nu’ng tumakas (at) mabuti naipabalik tapos may private conversation with a congressman na isa sa chairman ng Qualcomm at pareho nilang inamin.

“So, we don’t know what they talked about and after that nag-file ng motion si Dan Fernandez na i-withdraw ‘yung earlier na contempt kay Cassandra Li Ong.

“Nakakatakot kasi is he (Cong. Dan) being seduced by this girl? She’s 24 siyempre gagawin ng batang ito na she’s just 24 and very, very smart para pagkatiwalaan ng sindikato to run a POGO operation?

“Na parang siya ang pinakalider nila outside sa Chinese kasi she has Filipino background, she is Filipina (at) nakakatakot at puwede niyang gawin ang lahat.

“Sana nakikinig ang congress o mapanood nila ito (vlog) na i-inhibit nila this time si Cong. Dan Fernandez in this particular investigation because baka hindi na siya makakatulong dito kasi magiging bias na siya.

“In fact biniro pa siya (Cassandra) ni Cong. Acop ng, ‘akala ko siya (Dan Fernandez) na ang lawyer mo kasi bawat tanong namin tumitingin ka kay Dan Fernandez na kumukuha ka ng approval.’

“It sounds funny na baka may nagkakagustuhan na diyan sa congressional hearing but it’s not right, okay? Dan Fernandez after Ivana Alawi ito (Cassandra) ito ba ang ipapalit mo?  I hope joke lang ito, but the fact that you admit that nagtatawagan kayo each other delikado ‘yan.

“Congressman Dan Fernandez, I hope mali ako, I hope mali si congressman Acop and congresswoman (Gerville) Luistro,” ani Jobert.

Sa kabilang banda ay baka raw kinukuha ni Cong. Dan Fernandez ang loob ni Cassandra Li Ong para magsabi na ito ng totoo.

Minsan lang binanggit ni Jobert ang pangalan ni Ivana at tila hindi na close ang aktres at ang congressman ng Sta. Rosa Laguna.

Binalikan namin ang aming kaibigang nagtanong matapos naming panoorin ang “OOTD” nina Jobert at direk Chaps na base sa punto ng una ay parang sarado na ang tsika kina Cong. Dan Fenandez at Ivana.

Sabay hirit sa amin, “Ay oo nga, iba na pala ang nali-link ngayon kay Ivana.”

Susme, hindi na namin isinulat kung sino ang tinutukoy niya dahil hindi naman ito napatunayan pa kahit nakita pa silang nagkasabay sa airport mula sa ibang bansa at wala ring pag-amin ang aktres sa pagkaka-link niya kay Cong. Dan.

Anyway, bukas ang BANDERA para sa paliwanag o pahayag ng mga taong involved sa isyung ito.

Read more...