ABS-CBN milyones na ang ginastos sa kasalang MAYA-SIR CHIEF


NGARAG ang ilang photographers na kakilala namin dahil kailangan nilang magbabad ngayon sa taping ng Be Careful With My Heart para sa rehearsal ng kasal nina Richard Yap at Jodi Sta. Maria bilang sina Sir Chief at Maya.

Kinakarir talaga ng buong production ang special wedding episode ng serye, gagawin itong makatotohanan dahil mula sa maliliit na detalye ng kasal hanggang sa magiging reception ay ipalalabas para mas maging makatotohanan sa manonood.

Kuwento sa amin ng isang photographer, “Kukunan kasi namin lahat ng nangyayari para sa kasal, mula preparations hanggang sa seremonya hanggang sa reception kasi maglalabas ang ABS-CBN ng magazine special para sa wedding nina Sir Chief at Maya.

“Tapos sa mismong kasal nila, doon, marami na kaming photog kasi hindi kakayanin kung dalawa lang kaming photographer, masaya, for a change, nasa probinsiya kami ng ilang araw,” sabi pa sa amin.

Marami raw kasing fans ang nagre-request na sana maglabas ng magazine ang tinaguriang wedding of the year nina Sir Chief at Maya bukod pa sa mga kababayan natin sa ibang bansa na avid viewer ng Be Careful with My Heart.

Hmmm, sa The Buzz Magazine kaya ilalabas ang kasalang Sir Chief at Maya ngayong Disyembre bilang last issue na rin nila?
Hanggang Disyembre na lang daw kasi ang The Buzz Magazine dahil nga wala na ang The Buzz sa TV.

Pero naisip namin baka hindi naman totally tsugi ang magazine dahil pwede naman itong gawing Buzz ng Bayan. “Ay hindi puwede, kailangang maghintay ka ng isang taon muna bago ka maglabas ulit ng magazine,” katwiran sa amin ng isang taga-publication.

Samantala, tingnan natin kung kakabugin talaga ng Sir Chief-Maya wedding ang lahat ng kasalan sa showbiz. Kasi ngayon lang din kami makakapanood ng isang wedding scene na talagang pinaghandaan, ginastusan at pinagpaguran ng isang TV network.

At tiyak na milyones ang inilabas ng ABS sa nasabing kasalan, idagdag pa ang magaganap na honeymoon nina Jodi at Richard na sa Japan pa kukunan.

Samantala, mukhang secured naman ang real life partners nina Jodi at Sir Chief na hanggang telebisyon lang ang relasyon ng dalawa.

Wala naman kasi tayong nababalitaan na nagrereklamo o inaatake na ng selos si Jolo (para kay Maya), pati na rin ang tunay na misis ni Richard.

( Photo credit to Google )

READ NEXT
Di mag-aaral
Read more...