KaladKaren super thankful kay Vice, emosyonal sa bridal shower

KaladKaren super thankful kay Vice, emosyonal sa bridal shower

HINDI napigilan ng TV host-impersonator na si KaladKaren ang maging emosyonal matapos ang kanyang surprise bridal shower na inoganisa ng mga taong malalapit sa kanya.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang ilang mga videos at pictures na dinaluhan ng mga kaibigan at isa na nga rito ang Unakabogable Star na si Vice Ganda.

“Prince Charming lang ang ipinagdasal ko pero hindi lang iyon ang ibinigay ni Lord… may bonus pang mga taong nagmamahal at gusto kang makitang masaya,” panimula ni KaladKaren.

Labis rin ang kanyang pagpapasalamat kay Vice dahil sa ito raw ang major sponsor ng kanyang surprise bridal shower.

Baka Bet Mo: Kaladkaren nagtapos sa UP na isang lalaki, bumalik bilang ganap na babae

Lahad ni KaladKaren, “Thank you Meme Vice @praybeytbenjamin dahil ipiniramdam mo sa akin na deserve natin maging masaya, mahalin at magmahal.

“Ikaw din ang major sponsor ng surprise bridal shower na ito at sabi mo nga, dahil wala si Luke ay ikaw na rin ang “groom” kagabi!”

Nagpasalamat rin dsi KaladKaren sa kanyang KreativDen, News5 at KRIB family pati na rin sa mga naging punong abala sa kanyang surprise bridal shower.

Ilan pa sa mga na-shoutout ng TV host ay si Kim Chiu at kapatid nitong si Lakam.

“Napakasaya ng puso ko,” sey pa ni KaladKaren.

Matatandaang 4 years ago ay nag-propose na sa kanya ang fiance na si Luke Wrightson habang kasagsagan ng COVID-19.

Ngunit noong Hulyo 2024 ay muling nag-propose si Luke kay KaladKaren nang magpunta sila ng London.

Read more...