Hindi napigilan ni Sharon Cuneta na sagutin ang ilang basher sa Twitter na tumawag sa kanya ng plastik sa gitna ng panawagan niya sa mga kababayan natin na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda sa Leyte at iba pang lugar sa Visayas region.
Nag-init ang Megastar nang mabasa ang tweet ng isang follower niya, ayon kay @alfredriverajr, “@sharon_cuneta12 plastik.” Na sinundan pa ng, “@sharon_cuneta12 puro ka dada, bkit di mo pa simulan ang pagpa2padala.”
Kaya sumagot ang aktres ng, “Usually, di na ako pumapatol sa mga mindless na tweets na katulad nito. Pero ngayong gumagalaw lahat para makatulong para sa mga nasalanta, may isang tulad mo na di nag-iisip.
Di ba puede magtulungan muna? AT WALA KANG ALAM SA GINAGAWA KO BUKOD SA PAGTWEET AT RETWEET. IKAW, NAKATULONG NA? TUMULONG KA MUNA! Oo GALIT AKO! BASTOS.”