INDAY BARRETTO: Hindi ako magnanakaw, marami akong alahas!

MAS matindi pa sa bagyong Yolanda! Yan ang naging pagkukumpara ni Inday Barretto sa iskandalong pinagdaraanan niya at ng kanyang pamilya ngayon sa exclusive interview na ginawa ni Edu Manzano sa late-night comedy talk ng TV5 na What’s Up, Doods? Noong Sabado ng gabi.

Nang kumustahin ni Edu si Mrs. Inday sinabi ng kontrobersyal na ina nina Gretchen, Marjorie at Claudine, “I’m not fine, thank you.”

Masaya raw siya, pero hindi okey dahil sa dami ng problemang bumabalot sa kanilang pamilya ngayon. Pati Pasko, hindi na raw magiging katulad ng mga nagdaang taon ng Barretto family, kung saan nagkikita-kita at ipinagluluto niya ang mga anak at apo.

Nakakalungkot daw isipin na divided ang kanilang pamilya ngayon at nalalaman pa ng buong bansa ang kanilang mga problema dahil lang sa isa sa kanyang mga anak.

Ni ayaw banggitin ni Inday ang pangalan ni Gretchen. “She succeeded. She has always pitted one against one. But I’m not crying over it,” sabi pa ng ina nina Claudine.

Matigas man at matapang ang naging dating ni Inday sa interview, may moments pa rin na lumalabas ang pagiging mapagmahal niyang ina sa pitong anak.

Nang tanungin ni Edu kung willing siyang gumawa ng first move para maayos na ang gusot sa kanyang pamilya, sinabi nitong hindi. Dagdag niya, “As a mother, I’m not gonna run after someone who left.

I never left, why should I run after them?” Pero lagi raw bukas ang pinto ng bahay nila sa kung sinumang anak ang gustong bumalik, “The door is open.

It has never been closed. As a mom, you sit by the door, waiting for them to come home,” sey niya. “I know they’ll come back. I have wonderful children, including the one that doesn’t think as wonderful.

We brought them up naman with so much love. I had not been anything but a mom. I have good children. But they’re also mapusok.”

Inamin niya kay Edu na masakit ang mga akusasyon lalo pa’t galing sa mismong anak, pero ang higit na pinakamasakit ay ang sabihing nagnakaw siya ng alahas.

Marami raw siyang alahas at ang alahas na sinasabing nawala ay alahas niya mismo, ipinagawa niya. Kaya, wala raw siyang dapat ikahiya. Hindi rin daw siya guilty of anything dahil alam niya kung ano ang totoo.

( Photo credit to Google )

Read more...