FEELING lucky ang Kapuso actress na si Sheryl Cruz dahil naka-loveteam niya noon ang premyadong aktor na si Romnick Sarmenta.
Pero ang tanong ng kanilang mga loyal supporters, hanggang saan nga ba umabot ang relasyon nila sa totoong buhay lalo na noong kasagsagan ng kasikatan ng kanilang tambalan.
“Ang sabi niya, we became fond of each other. Let’s just leave it at that,” ang matipid na sagot ni Sheryl sa “Updated with Nelson Canlas” podcast.
Baka Bet Mo: Sheryl napa-throwback sa mga fans noon: Sinusundan talaga kami kahit saan, sinasabitan ng sampaguita
In fairness, talaga namang humataw nang bonggang-bongga ang tandem nina Sheryl at Romnick noon dekada 80 hanggang dekada 90. Milyun-milyon din ang fans nila at matatawag ding phenomenal loveteam nu’ng kanilang relasyon.
Sabi pa ni Sheryl tungkol sa kanila ni Romnick, “Kapag madalas kayong magkasama, you get fond of each other. Pero at the same time, I was very very young.
“I was only 15, 16 when we started becoming loveteam sa Seiko Films so marami kaming ginawang mga pelikula and since kami ‘yung laging magkasama du’n, we grew fond of each other,” paliwanag ni Sheryl na napapanood sa Kapuso series na “Lilet Matias: Attorney-at-Law.”
Para kay Sheryl, parang puppy love raw ang namagitan sa kanila ni Romnick noon at sinabing hindi serious kind ng relasyon.
Pero aniya, mahalaga sa kanya ang naging past nila ng aktor, “It’s something that I cherish and something na until now, I am grateful for kasi nga kung hindi dahil doon sa loveteam namin, wala kami dito sa aming kinalalagyan.
Baka Bet Mo: Romnick sa relasyon nila noon ni Sheryl: Parang naging kami…MU ganu’n
“Para sa akin, masuwerte ako dahil meron ako naging katambal na Romnick Sarmenta sa industriya,” aniya.
Inamin ni Romnick na totoong ilag siya noon kay Sheryl dahil sa pagiging showbiz royalty nito at sey naman ni Sheryl halos lahat naman daw ng nakakatrabaho niya ay ilag o naiilang da kanya.
“Siguro ‘yun din ‘yung curiosity niya sa’kin; how normal am I a person? Siguro that was one of his curiosities bakit biglang naging interesado siya to know more about me.
“That’s how it was, we grew fond of each other every day that we worked with each other.
“We look forward to that day that we work with each other kasi we get to know about each other more and more,” pagbabahagi pa ni Sheryl.
Maraming nagre-request na sana’y pagsamahin uli sa isang project sina Sheryl at Romnick dahil tiyak na miss na miss na silang mapanood together ng kanilang mga fans.