TINANGGAL na bilang alkalde ng Bamban, Tarlac ng Ombudsman si Alice Guo matapos itong hatulan na “guilty” sa reklamong grave misconduct.
Naglabas na ng ruling ang Ombudsman kung saan sinasabi nitong disqualify na ang dating alkalde sa kanyang posisyon.
“The Office finds Alice Leal Guo guilty of grave misconduct for which she is meted with dismissal from service with forfeiture of all her retirement benefits and perpetual disqualification to re-enter government service,” base sa ruling ng Ombudman.
Matatandaang iniuugnay rin siya sa na-raid na na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa lungsod na ilang beses rin niyang itinanggi na may kinalaman siya rito.
Baka Bet Mo: Alice Guo nilayasan na ang Pinas gamit ang Chinese passport, paano nangyari?
Naglabas rin noong June 2024 ng dokumento na maaaring iisa lang ang identity ng dating alkalde sa Chinese national na si Gua Hua Ping na siyang tunay na pangalan pala nito.
Sinabi rin ni Sen. Risa Hontiveros na siyang kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na iisa lamang si Alice at ang Chinese national na si Guo Hua Ping.
July 13, 2024 nang maglabas ang Senado ng arrest order laban kay Gup dahil sa hindi nito pagpuntasa mga hearing ng Senate committee kaugnay ng na-raid na POGO hun sa Bamban na naganap noong June 26, 2024 at July 10, 2024.
Samantala, umapela naman sa Ombudsman si Alice patungkol sa dismissal order na inilabas nito laban sa kanya.