KC manang-mana talaga kay MEGA sa sobrang kadaldalan

TAWA kami nang tawa sa kuwento ng mga staff ng “Boy Golden”, ang official entry ng Scenema Concept sa nalalapit na Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan nina Gov. ER Ejercito at KC Concepcion directed by Chito Roño.

Kasi nga, nu’ng dumalaw kami nina Richard Pinlac at alaga kong si Michael Pangilinan sa shooting nila sa F. Benitez St., San Juan ay ikinuwento nila ang sobrang pagkagiliw nila kay KC.

Maliban sa kahusayan nito sa pag-arte, makuwento rin daw nito.  In short, madaldal ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta. Ha-hahaha! Pero positive ang kadaldalan ni KC – parang si Shawie rin who lives up to her image as a talkshow host.

“Nakakatuwa si KC, hindi nauubusan ng kuwento kaya napakasaya namin sa set. Nu dull moment. Minsan nga, take na, tinatawag na si KC for her part.

“But never siyang naging cause of delay naman, kuwento pa rin siya nang kuwento pero pag sinabi na ni direk Chito na ‘Take!’, agad siyang umaakting at kadalasan take 1.

Galing nga niya kaya we love working with her,” sabi ng isang staff na nakausap namin.”Masayahin lang talaga si KC. Enjoy na enjoy kami sa set pag kasama siya.

Very positive ang ambiance namin sa shooting kaya malamang na mabilis naming matatapos ang kabuuan ng pelikula. Ako naman, I am very happy with this movie, kumbaga, third na namin ito sa MMFF.

The last two films naman namin (Asiong Salonga two years ago and El Presidente last year) ay naging very influential ito sa industry natin.

“Naging multi-awarded ang first two films natin and hopefully ay ganito rin ang magiging outcome nitong ‘Boy Golden’, another quality movie in the making,” pagmamalaki ni Gov. ER kung saan special guests din sina Tito Eddie Garcia and Tonton Gutierrez na naabutan namin sa set.

“Grabe pala si direk Chito. Hindi lang pala siya sa drama mahusay, kahit action ay na-master na niya. Kaya hanggang langit ang respeto namin sa kaniya.

Ang galing niya. Sobra!” dagdag pa ni Gov. ER na lalo yatang bumata at mas gumuwapo ngayon. Wish lang namin matapos on time ang movie na ito.

Kasi nga napakaraming malalaking scenes ang dapat pang kunan. Iba’t ibang lokasyon ang pinagsusyutingan ng “Boy Golden”.
Kaya nagdu-double time ang grupo matapos lamang ang principal photography ng movie. Good luck though.

This MMFF deserves a decent film like this. Hindi puro anik-anik lang.

( Photo credit to Google )

READ NEXT
Read more...