OPISYAL nang ni-launch ang Bilyonaryo News Channel (BNC), ang bagong broadcast channel na naghahain ng mga bagong panoorin sa sambayanang Pilipino.
Mapapanood dito ang comprehensive coverage ng mga national issues, politics, lifestyle and sports.
Halatang pinaghandaan ang pagtatatag ng BNC dahil bongga ang line-up nila ng mga veteran journalist and media personalities sa pangunguna ni Korina Sanchez na muling nagbabalik sa news arena makalipas ang halos 10 taon.
Matatandaang matapos umalis sa “TV Patrol” noong 2015 ay nag-focus si Korina sa lifestsyle programming tulad ng “Rated Korina” (sa TV5, A2Z at Kapamilya Channel) at “Korina Interviews” (sa Net 25).
Baka Bet Mo: Swimsuit photo ni Korina na may caption tungkol sa COVID-19 binatikos: Wala sa lugar, sobrang off
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Korina ng teaser ng BNC at aniya sa caption, “And now… Back to the news.”
Mainit naman ang naging pagtanggap ng netizens sa pagbabalik ni Korina Sanchez sa larangan ng pagbabalita. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa socmed.
“Ma’am!!!!!!!!!! Yey! Finally!”
“#thewinnertakesitall.”
“Iba ka talaga.”
“Kailan magsisimula ito Ms K?”
“Oh My!!!! SHE is Back.”
“Yey! Love it! it’s time real news comes back!!!”
Baka Bet Mo: Korina gusto ring ma-interview sina Heart at Chiz; may nilinaw tungkol kina Loren at Robin
“So Excited to see you delivering the most important news again.”
“Kaabang abang sana di gaya sa iba na news and entertainmemt pinagsama ang news program ms k dapat substance fair and relevant sa society.”
“Congratulations! Sa wakas may mapapanood na ulit na makabuluhang balita from the world class news anchor @korina.”
“Tama mag start na lang yan by September. wag ngayong august kase ghost month baka di magtagal sa ere.”
Makakasama ni Korina sa BNC ang iba pang kilalang media figures, tulad ni former CNN Philippines senior anchor Pinky Webb at ang mga dating ABS-CBN News Channel personalities na sina Marie Lozano and Maiki Oreta.
Kinuha rin ng station ang serbisyo ng lawyer na si Karen Jimeno na dating undersecretary for disaster resilience under President Rodrigo Duterte. Siya naman ang hahawak ng public affairs programming ng network.
Kasama rin sa line-up ang dating “Newsfeed” anchor na si Mai Rodriguez at ang sports commentator and anchor Paolo del Rosario.
Sa mga bigating line-up pa lang na ito, inaasahang gagawa agad ng sariling marka ang BNC sa Philippine media landscape, offering viewers a fresh and comprehensive approach to news reporting.
Ang BNC ay pwede nang mapanood on free TV Channel 31 at sa cable via Cignal Channel 24.