ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng isang ina nang muling makita ang kambal niyang anak na kanyang ipinaampon sa isang komadrona.
Umiiyak ang nanay nang sa wakas ay nakasama at nakapiling na uli ang mga anak matapos magsagawa ng rescue operation ang mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon sa ulat, ipinaampon daw ng ina ang anak na twins sa isang midwife sa Biñan, Laguna pero nagbago raw ang kanyang isip kaya binawi niya ang mga sanggol.
Baka Bet Mo: Angel pangarap magkaanak ng kambal pero biglang nagbago ang isip dahil…
Sa report ng “24 Oras Weekend” nitong Sabado, ipinakita ang pagsugod ng mga tauhan ng NBI sa isang bahay kung saan naroon ang kambal na inaalagaan ng isang babae.
Ayon sa NBI, noong February 1, 2024 isinilang inang taga-Quezon Province, ang mga anak sa isag paanakan sa San Pedro, Laguna.
Inamin naman daw ng nanay na noong una ay sumang-ayon siya tinatawag na illegal adoption scheme na inalok umano mismo ng nagpaanak sa kanyang kumadrona.
Pahayag ni Atty. Zack Balba, Executive Officer ng NBI Quezon, “Ayaw niyang malaman ng kaniyang asawa kung ano talaga ang totoong nangyari sa kaniya, na nabuntis siya ng ibang lalaki.
“So na-exploit ‘yung vulnerability niya at napapayag siya sa ganitong scheme,” dugtong ni Atty. Balba. Mahigit anim na buwan daw nangulila ang nanay sa kanyang mga anak.
Baka Bet Mo: Aga tinuruan sina Andres at Atasha na maging wais sa pera
Patuloy pa niya, “Subalit sa pagkakataong nanganak na siya at naianak na niya ang kambal na bata, nagbago ang kaniyang isip at ayaw na niyang ituloy ang pagpapaampon.
“Pero ayaw nang ibigay sa kanya ng mga subject itong bata,” ani Balba.
Ang plot twist sa kuwento ay sinisingil daw ang nanay ng P350,000 para raw sa ginastos sa pagpapaanak at pag-aalaga sa kambal. At dito na nagdesisyon ang ina na humingi ng tulong sa NBI.
Kasunod nito, nagsagawa na nga ng rescue operation ang NBI matapos matukoy ang kinaroroonan ng kambal kasabay ng pag-aresto sa midwife na nag-alok ng ilegal na pag-aampon.