HOROSCOPE NOVEMBER 10, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Tubig ang mahiwaga mong elemento. Mag lagay ng aquarium sa sala ng inyong bahay upang mas madali mahigop ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, tuloy ang mainit na pakikipag-relasyon sa isang Taurus. Mapalad ang 2, 11, 23, 31, 37, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Green at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Wag magpa-apekto sa nangyayaring hindi maganda sa iyong kapaligiran. Tandaang mong may iisa ka lang na layunin – ang yumaman. Sa pag-ibig, ngayon palang paghandaan na ang ire-regalo sa iyong kasuyo sa darating na kapaskuhan. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Secundus-Nulli-Secunda.” Beige at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Linggo ngayon! Simulan sa pagsisimba ang araw na ito. Magsuot ng kulay na red. Sa ganyang paraan, sa pag-ibig at pananalapi, susuwertehin ka. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –  Panahon na upang disiplinahin ang sarili. Ipatupad ang matagal na balak na pag-e-ehersisyo upang bumalik ang dating kaseksihan. Ang magandang pangangatawan ay kailangang mapanatili upang hindi iwanan ng kasuyong Libra. Mapalad ang 1, 5, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –     Lalong uunlad kung aalis muna sa iyong private zone. Sa pakikipagsapalaran, mas malaking tagumpay ang makakamit. Sa pag-ibig, wag mahiyang yayain ang kasuyo sa isang romantikong date na malapit sa nature. Mapalad ang 7, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at white ang buenas.
Leo  (July 23 – August 22) –  Sa pag-ibig wag pagtiisan ang kasalukuyang relasyon hindi ka naman masaya Hanggang kailan mo ba lolokohin ang iyong sarili? Sa pinansyal, unti-unti ng mare-realize na wala din palang kuwenta ang salapi kung wala sayong nagmamahal.  Mapalad ang 4, 18, 23, 32, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Visnu-Purana-Om.” Orange at gray ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –  Sa pinansyal ang pagyaman ang nagpapasaya at magagawa mo yan, dahil ang mga taong Virgo ay talaga namang yumayamn, kung ikikilos nila ang mga bagay na kanilang iniisip. Sa pag-ibig, isang Libra ang lihim na may pagtingin sa iyo. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Silver at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)    –  Mababawasan ang stress at ang init ng ulo, kung yayain ang kasuyo sa isang paglalakbay. Panahon na upang mag-unwind. Mapalad ang 3, 18, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Yellow at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)  –     Anomang hamon ang dumating, siguradong makakaisip ka g isang malikhaing solusyon. Sa pera, kahit kinakapos, maabsuwelto karin sa tulong ng isang kaibigang Taurus. Mapalad ang 7, 16, 25, 39, 40 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum.” Green at yellow ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Hindi dapat tanggihan ang isang imbitasyon sa pag-aabroad. Pagkakataon mo na upang umunlad. Sa pag-ibig, pagpasensiyahan muna ang mga negatibong inuugali ng kasuyo, magbabago din siya pagsapit ng buwan ng Disyembre. Mapalad ang 3, 27, 30, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Kapor-Om.” Blue at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –    Wag gamitin ang iyong galing sa panlalamang, sa halip, sa mabuting pakikitungo sa kapwa at pagiging tapat dalawang bagay ang iyong aanihin: “Maligayang relasyon at dagdag na kita.” Mapalad ang 4, 13, 24, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sahatsha-Sarva-Dustha.” Red at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –   Sa pinansyal, higit kang uunlad at kikita ng maraming pera kung gagamitin mo ang iyong pagiging unique. Sa pag-ibig, gamitan ng ibang istilo ng romansa ang kasuyo upang hindi na siya sayo bumitiw. Mapalad ang 5, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Gold at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –     Hindi ka pa ba sinusuwerte? Ayaw mo kasing magsuot ng golden yellow na damit. Sa nasabing kasuutan, makikita mo, dagdag na salapi at masarap na romansa ang iyong matitikman. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Sukadeva-Om-Mantra.” Bukod sa golden yellow mapalad din ang green.

Read more...