Vice: Nu’ng namatay tatay ko, yung nanay ko mukha nang adik sa payat

Vice: Nu'ng namatay tatay ko, yung nanay ko mukha nang adik sa payat

Vice Ganda at Nanay Rosario

SARIWA pa rin sa isip ng TV host-comedian na si Vice Ganda ang matitinding pagsubok na pinagdaanan ng kanyang nanay noong bata pa silang magkakapatid.

Ito raw yung panahon na inaatake ng grabeng kalungkutan ang kanyang Nanay Rosario matapos mamatay ang kanyang ama dahil sa malagim na insidente.

Sa isang panayam, nabanggit ni Vice na nabaril ang kanyang ama noong 1991, mismong Linggo ng Palaspas at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang suspek.

Baka Bet Mo: JC Santos nagplano nang maging delivery boy nu’ng kasagsagan ng lockdown

“Magsisimba ang buong pamilya ko dahil sa relihiyosa ang nanay ko. Nakabihis na sila, ako nasa loob pa ng bahay.

“Tapos ‘yung tatay ko nasa labas ng bahay nakaistambay. Tapos may tumatakbo, nagkakagulo na naman. Paglabas nila, ayun na, binabaril na ‘yung tatay ko.


“Hanggang ngayon hindi naman nakulong ang pumatay sa tatay ko, kahit buong barangay namin ay nakakita kung sino ang pumatay,” aniya pa.

Pero sabi ni Vice napatawad na niya at ng kanyang pamilya ang pumataw sa tatay niya kaya huwag na nitong alalahanin ang kanyang kasalanan.

“Kung nanonood siya ngayon gusto kong malaman mo na ang tagal na tagal na kitang napatawad. Baka mabigat pa ang kalooban mo lalong nagpapahina ito ng katawan mo ngayon.

Baka Bet Mo: Robin tinatraydor daw ng senador na kapartido niya, Mariel umalma: Naku, matakot kayo sa Panginoon!

“Gusto kong malaman mo na wala ka ng iisipin sa amin, sa buong pamilya namin, sa nanay ko, sa mga kapatid ko. Napatawad ka na namin, malayang malaya ka na sa galit mula sa pamilya namin,” ang mangiyak-ngiyak na pahayag ni Vice noon sa “It’s Showtime.”

At sa segment ngang “EXpecially For You” kamakailan ay binalikan ni Vice ang nangyari sa nanay niya mula nang mamaalam ang ama.


“Nakita ko ‘yun e. Nu’ng namatay ‘yung tatay ko ‘yung nanay ko, mukha nang addict sa payat. Hindi pa namin nauunawaan kung ano ‘yung depression nu’ng panahon na ‘yun.

“Pero kapag pinag-uusapan namin ngayon, nu’ng panahon na ‘yun na-depress ka. Bumuto’t balat, alam mo yung araw-araw pabalik-balik kami sa city hall dahil sa kaso ng tatay ko, para habulin ‘yung pumatay sa tatay ko,” pahayag ng TV host.

Dagdag pa niya, “Tapos wala siyang trabaho, tapos nag-aaral kami. ‘Yung ate ko MedTech, ate ko isa nursing. Alam mo ‘yun ngarag na ngarag siya. Tapos wala siyang trabaho, ayun kawawa.

“Kailangan nila ng support, e, nu’ng panahon na ‘yun sabi ko nga hindi ko alam kung paano kami nasuportahan. Kasi we were just all busy, living our lives as a young people, di ba?” esplika pa ni Vice Ganda.

Read more...