Bagong serye ni ANGEL para talaga kay TINTIN


How true, kay Kristine Hermosa pala unang in-offer ang seryeng Legal Wife ng ABS-CBN? Mismong kampo ng aktres ang nagkuwento sa amin na ito pala ‘yung dapat sanang balik-tambalan nila ni Jericho Rosales na hindi nagustuhan ng asawa ni Kristine na si Oyo Sotto.

Nakita kasi namin ang taong malapit kay Kristine at kinumusta namin ang aktres kung may balak pang mag-showbiz ang aktres, “Gusto niya, kaso walang offer pa na gusto niya, actually, ‘yung Legal Wife, kanya dapat ‘yun, sa kanya inalok para sa kanila ni Echo, e, tinanggihan, di ba?” ayon sa source na ikinagulat namin.

Kasi ang kuwento naman sa amin ng creative head ng unit nina Des Tanwangco at Ms. Malou Santos na si Henry Quitain ay para kay Angel Locsin daw talaga ang Legal Wife.

Pero sa narinig naming ito ay second choice pala ang aktres? Baka nga meant to be rin kay Angel ang project dahil nga hindi pumayag si Oyo na muling magtambal sina Kristine at Jericho.

In fairness, kung tinanggap ito ni Kristine, tiyak na maingay ito dahil balik-tambalan nila ni Echo na first love niya at tiyak na iisyuhan naman dito si Oyo na asawa ng aktres at puwede ring madamay si Kim Jones na fiancé ni Jericho.

For the record ay sa Nob. 18 na raw mapapanood ang nasabing serye.

( Photo credit to Google )

Read more...