Fil-Am actor Brandon Perea bumandera sa Hollywood film na ‘Twisters’

Fil-Am actor Brandon Perea bumandera sa Hollywood film na ‘Twisters’

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Entertainment Inc.

ISANG half-Pinoy ang umeksena at bumida sa bagong Hollywood film na “Twisters,” ang modern take  ng 1996 disaster movie na “Twister.”

Siya ang Filipino-American actor na si Brandon Perea na unang nagkaroon ng big break matapos tumampok sa sci-fi saga na “The OA” at critically acclaimed horror film na “Nope.”

Showing na sa mga lokal na sinehan ang “Twisters” at bida rin diyan ang ilang sikat na Hollywood stars, kabilang na sina Daisy Edgar-Jones, Glen Powell, at Anthony Ramos.

Ang role ng Pinoy actor ay bilang si “Boone” na kabilang sa isang squad mula Arkansas na naghahanap ng thrill bilang storm chasers.

Ang kwento ay magsisimula sa pag-deploy nila ng tinatawag na “revolutionary” tornado-monitoring device nang bigla nilang na-encounter ang “deadly tornadoes” sa Oklahoma sa kasagsagan ng tornado season.

Baka Bet Mo: LIST: 5 pelikula na kaabang-abang ngayong Hulyo

“They’re a diverse group of fun and crazy hooligans who work efficiently together, but there’s a higher purpose in what they do,” kwento ni Brandon sa isang pahayag na inilabas ng Warner Bros. Entertainment.

Chika pa niya, “They’re cool because everyone’s just being their genuine honest self, no false fronts. Their goal is to help people and have fun while doing it, and as they reveal themselves to the audience, they will earn  everyone’s respect.”

Ang bagong pelikula ay mula sa producers ng hit movies na “Jurassic,” “Bourne” at “Indiana Jones” series.

Alam niyo ba na isa talagang trabaho sa tunay na buhay ang pagiging “storm chaser?”

Ayon sa na-search namin sa internet, ito ‘yung mga taong nagta-travel sa iba’t-ibang lugar upang habulin o puntahan ang nagaganap na “extreme weather events,” kagaya na lamang ng buhawi, matinding bagyo, baha at marami pang iba.

Ginagawa nila ito upang makunan ng litrato at mapag-aralan upang maihatid ang makakalap na impormasyon sa publiko.

Read more...