ISABELLE sumikat dahil sa pambabalahura ng dabarkads


IN FAIRNESS, masang-masa na rin nga appeal ngayon ng anak ni Gloria Diaz na si Isabelle Daza. Salamat sa mga dabarkads niya sa Eat Bulaga at nagawa nilang pasikatin at gawing komedyante  si Isabelle.

Grabe ang inaabot na panlalait ng dalaga sa mga kasamahan niya sa Eat Bulaga, lalo na pagdating sa kanyang “singing career”. E, ang lakas-lakas naman kasi ng loob ni Isabelle na kumanta kahit wala talaga siyang talent sa singing.

Ha-hahaha! Pero sabi nga namin, thanks to Eat Bulaga at sa mga pambabalahura sa kanya ng mga dabarkads dahil mas napalapit pa siya sa masang Pinoy dahil dito.

Kung noon ay puro mga nasa alta at mayayamang angkan lang ang nakakakilala sa kanya, ngayon kahit ang mga tambay sa kanto, kilalang-kilala na ang pangalan niya.

Kaya hindi na kami magtataka kung magsunud-sunod na ang proyekto ni Isabelle mapatelebisyon man o mapapelikula.
Tulad na nga lang ng pagkuha sa kanya ng GMA para maging bahagi ng GMA TeleBabad series na Genesis nina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino at Rhian Ramos.

Yes, siya ang gaganap na  Helen sa Genesis, ay isang babaeng nakakakita ng flashes of the future – laging tama ngunit hindi laging buo. Hindi niya itinatago ang tungkol sa kanyang visions pero hindi rin niya ito ipinalalandakan.

Napatigil siya sa pagiging nurse dahil hindi niya na kinakaya ang mga visions of her patients dying. Makikita ni Helen sa isang vision niya na hinahalikan niya si Isaak (Dingdong), hindi niya alam kung sino ito o bakit niya hinahalikan ang lalake, pero nakita niya na nangyari ito sa tabing-dagat.

Kaya’t iisipin ni Helen na ito ang lalaking babago sa buhay niya. Ngunit, nang mapunta na siya sa tabing-dagat para hanapin si Isaak isang vision ng parating na tsunami ang kanyang makikita.

Bakit kaya siya nagkaroon ng ganoong pangitain kay Isaak? Ano kaya ang magiging ugnayan nilang dalawa? Kilalanin pa ng lubos ang karakter ni Helen at kung ano ang magiging papel niya sa buhay ni Isaak sa Genesis, Lunes hangang Biyernes pagkatapos ng 24 Oras.

( Photo credit to Google )

 

Read more...