BINI todo takip ng mukha sa airport, feeling K-pop idols raw?

BINI todo takip ng mukha sa airport, feeling K-pop idols raw?

TRENDING ngayon ang tinaguriang nation’s girl group na BINI matapos batikusin ng ilang netizens ang naging outfit o get up ng mga ito nang dumating sa Mactan-Cebu International Airport.

Isang video ang nag-viral ngayon na ipinost sa isang fan page ng Ppop group kung saan makikita ang walong miyembro na todo cap, shades, at face masks kasama ang kanilang security escorts.

Isang post rin ang kumala kung saan makikita ang BINI membere na kumakaway sa kanilang mga fans na naghintay sa kanilang pagdating sa Cebu.

Marami naman sa mga netizens ang nagkomento sa naging get up ng Ppop group at sinabing napaka-OA raw ng mga ito kumpara sa mga mas sikat na artista sa kanila.

Baka Bet Mo: True ba, talent fee ng SB19, BINI umaabot na sa P5-M to P8-M?

“Ka-OA ba, feeling na sikat na sikat ahahaha KPOP na KPOP. Balutin niyo (r)in (mukha) niyo sa concert ha, para tapunan kayo ng kamatis ng mga taga-Cebu,” komento ng isang netizen patungkol sa BINI.

Isang netizen rin na nagngangalang Tio Moreno ang ikinumpara ang Ppop group sa Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

“(Sarah) continues to meet the expectations of her supporters and fans with her humility. She never acts like a ‘disney princess,’ whether at the airport or as a guest at events. Her humility sets her apart from others. I hope BINI will follow her example,” lahad nito kalakip ang mga larawan nina Sarah at ng gitl group.

Samantala, ipinagtanggol naman ng ibang netizens at fans ang BINI ay sinabing normal lang naman ang outfit ng mga miyembro.

“Why do we always feel entitled sa fan service sa celebrities even outside their work? If they don’t feel like showing their bare faces on that day then who are we to take that freedom away from them? Stop clout chasing. And for the record, I’m not even a BINI fan,” sabi ng isa.

May nagsabi rin na marahil ay nag-iingat lang ang grupo sa kanilang kalusugan.

“Anong masama mag-facemask eh normal na nga dapat yan given na galing tayo sa covid?” sey ng isang netizen sa Reddit.

Hirit pa ng isa, “Pag may mask, feeling sikat. Pag wala at nakitang walang makeup at mukhang pagod, todo okray naman sa looks. You really can’t win with people na epal at mema lang.”

Samantala, wala pa namang opisyal na pahayag ang BINI tungkol dito.

Read more...