Bea Alonzo nilinaw ang magkaibang statement sa hiwalayan nila ni Dominic

Bea Alonzo nilinaw ang magkaibang statement sa hiwalayan nila ni Dominic

NILINAW ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na hindi niya intensyong ibuking na ang kanyang ex-dyowang si Dominic Roque ang nakipaghiwalay sa kanya.

Sa kanyang naging interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nilinaw ng aktres ang tila contradicting statements niya matapos siyang usisain ng Asia’s King of Talk kung ano ba talaga ang katotohanan sa kanyang mga naging pahayag.

Matatandaang una nang sinabi ni Bea sa kanyang naging interview sa isang magazine na “mutual” ang naging desisyon nila na maghiwalay ni Dominic ngunit ayon sa interview niya kay Nelson Canlas ay sinabi naman niyang ang model-actor ang nakipag-break sa kanya.

Sa naturang interbyu ay sinagot ng aktres ang tanong ni Tito Boy tungkol sa magkaibang pahayag na ito.

“Not that I owe anyone an explanation, I really don’t want to talk about this anymore. But to answer your question, baka nga may mga nalilito,” panimula ni Bea.

“During the time I did Tatler, that was, like, a month ago. Kasi bago sila makapag-release ng issue or even more, I don’t remember when that was, but medyo matagal na. So that was the only time I talked about it because I was asked. I dunno, I kind of talked about it there.”

At sa naging pag-uusap ni Nelson na umere sa “24 Oras” ay inamin niyang hindi niya intensyon na magabi ng ilang mga detalye at naging kumportable lang. talaga siyang kausap ang Kapuso reporter.

Sey ni Bea, “And then, during 24 Oras interview, I didn’t have the intention to talk about it because nga I really wanted to give respect to the relationship that was. But then, may comment si Nelson. Before his comment, we were talking about fake news and all that.  I’m so comfortable talking to him, as if walang camera sa harapan.

“And then he went, like, ‘Siyempre, ikaw yung nakipag-break. Hindi nila alam mahirap din sa yo.’  Parang it was like an instinct I had to correct him, but I didn’t have any intention to really talk about it.

Chika pa ni Bea, mayroon ring naging follow-up question si Nelson na hindi na niya nasagot.

“It became a mutual decision eventually. Of course, we worked it out, right? It was a very serious relationship obviously so hindi naman siya yung parang… you know, we didn’t take the decision lightly.

“It was a process, it was a long process. Eventually, it became mutual. Both parties agreed,” paglilinaw ni Bea.

Read more...