Vlogger humugot: Hindi lahat ng nagtatrabaho may pera at malaki ang ipon

Vlogger humugot: Hindi lahat ng nagtatrabaho may pera at malaki ang ipon

PINUSUAN at relate much ang madlang pipol sa Facebook post ng isang digital content creator na may konek sa trabaho, pera at savings.

Pak na pak sa netizens ang post ng isang FB user na nagngangalang “Camela Diana Amil Alulod-Ignas” kung saan inisa-isa niya ang kanyang paniniwala about handling finances.

Ipinagdiinan niya sa kanyang mahabang status ang maling paniniwala na kapag nagtatrabaho at kumikita ang isang tao ay malaki na ang ipon ay hayahay na ang buhay.

Baka Bet Mo: May mga bobo moments din ako habang heartbroken, nakakahiya! – Bela Padilla

“I am speaking on behalf of every struggling individuals. Pag may trabaho ang isang tao, iniisip agad natin na; 1. Siguro masarap buhay nito dahil madaming pera.

“2. Siguro malaki na ipon nito dahil may magandang trabaho.

“3. Siguro madami itong mga expensive at mga high-tech na gamit.

“4. Siguro nakakain niya lahat ng cravings at naluluto lahat ng gusto niyang pagkain.

“5. Siguro madali lang sa kaniya ang buhay dahil hindi naghihirap.

“6. At napakadami pang SIGURO,” ang litanya ng vlogger.

Ngunit mariin niyang sabi, “But always remember na hindi lahat ng may trabaho ay may pera at may malaking ipon dahil ibat-iba tayo ng responsibility at kahit gaano pa kalaki ang sahod mo ay yun naman kadami ng bills mo.”

Pagpapatuloy pa niya, “You also need to consider this; 1. Baka kasi yung sinasahod niya sakto lang na matustosan ang pangangailangan ng pamilya.

“2. Baka meron pa siyang madaming mga loans na binabayaran kaya wala pa itong savings.

“3. Baka yung mga nakita nating mamahaling gamit na naibahagi nila sa kanilang Social Media ay pinag-ipunan buwan o taon para lang mabili ito.

“4. Baka nakakain niya lang yung gusto niya paminsan-minsan dahil nagtitipid siya sa buong buwan.

“5. At sana isipin din natin na baka napapagod at nahihirapan na siyang kumayod sa trabaho pero nagtitiis nalang dahil kailangan,” lahad pa niya.

Kasunod nito ang kanyang mensahe para sa lahat, “Kaya paalala lamang sa mga taong humingi ng tulong sa mga may trabaho, naway hindi kayo magtampo kung hindi agad kayo matulungan dahil in reality yang taong akala niyo madaming pera dahil may trabaho ay pagod nadin at hirap pero pilit na lumalaban dahil yun ang kailangan.

“We are all struggling to survive in this life, the least that we can do is to spread Kindness and Goodness.”

Baka Bet Mo: Ruru basted kina Barbie at Yassi: ‘Ang tingin ko sa sarili ko noon sobrang pogi, grabe talaga yung confidence level!’

Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa mga paalala ng vlogger.

“Real talk lang guys. Totoong totoo naman lahat ng sinabi niya. Kaya sana mas maging maingat tayo sa mga ginagawa at sinasabi natin sa ating kapwa.”

“Mostly sa mga may work hindi nakakapag social life ksi focus sila sa trabaho, kasi pag wala ka trabaho wala karin sweldo kayaaa sa buhay mas makikita mo masaya ang buhay ng mga sinusuportahan kesa yung nagsusuporta.”

“Tama, kaya huwag sana kayo magalit kapag hindi kayo napagbigyan, nailibre, o napautang. Lahat may pinagkakagastusan.”

“Bakit parang naiiyak ako sa post? Kaka relate bawat lines. Akong ako yan! Hahahahaha!”

“Thank you Lord sa sapat for everyday at sa mga emergency need.”

“Habang nasa baba ka pa lang, Ang dami mo Ng pinapangarap. Pero Nung nasa taas kana, Yung pangarap mo noon ay Yun din Pala Yung magiging dahilan para mapunta ka ulit sa baba.”

Read more...