NAGING palaban ang ating pambato na si Brandon Espiritu sa katatapos lang na Mister Supranational contest na ginanap sa Poland ngayong July 5, oras sa Pilipinas.
Siya ang tinanghal na second runner-up sa nasabing kompetisyon!
Makasaysayan ang panalo ni Brandon dahil siya ang kauna-unahang Filipino delegate na nakakuha ng highest placement para sa ating bansa.
Mula kasi nang mag-umpisa ang male pageant noong 2016, lagi nalang nagtatapos sa semi-finals ang mga pinanglalaban ng ating bansa sa international male pageant at hindi na nakakaabante sa Top 20.
Pero ngayong taon, tila nag-iba ang ihip ng hangin at nakarating din tayo sa Top 5!
Baka Bet Mo: Miss International Andrea Rubio eeksena sa Bb. Pilipinas 2024
Samantala, ang nagwagi ng top prize ay ang pambato ng South Africa na si Fezile Mkhize.
Bukod sa natalo niya ang 35 aspirants, siya ang first winner mula sa Africa at first-ever black Mister Supranational winner.
Ang first runner-up naman ay si Casey De Vries mula Netherlands, 3rd runner-up si Marcos De Freita from Venezuela at ang fourth runner-up ay napunta kay Sanonh Maniphonh ng Laos.
Ang coronation show naman ng counterpart female pageant ng nabanggit na kompetisyon na Miss Supranational ay mangyayari rin sa Poland sa July 6.
Ang panglaban natin diyan ay si Alethea Ambrosio kung saan target niyang makuha ang ikalawang panalo ng Pilipinas.
Ang kauna-unahang Pinay winner sa nasabing pageant ay si Mutya Johanna Datul na kinoronahan noong 2013.